Lumang Lathala 過去の記事より

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mahina ba ang buto mo?
http://www.abante.com.ph/

Hindi lamang ang mga babae ngayon ang naaapektuhan ng osteoporosis.
Maging ang matatandang lalake ay possible rin nitong tamaan. Ngunit kaya itong maagapan at maiwasan.
Ang kawalan ng vitamin C at D ang siyang dahilan kung bakit nanghihina ang ating mga buto. Maliban pa rito ang pagkakaroon ng hindi magandang lifestyle ay dahilan din kung bakit hindi nagiging maganda ang lagay ng mga buto.
 
Anong kailangang gawin?
Alamin ang limang ‘best bone builders’:
1. Calcium. Nakakatulong ito upang makagawa at mamantina ang mga buto.
 Pangangailangan araw-araw: 1,000 milligrams kung ikaw ay wala pang edad 50, at 1,500 kung mahigit 50 edad na.
2. Vitamin D. Ito ang kumukuha at naglalagay ng calcium sa buto.
 Pangangailangan araw-araw: 800 to 1,000 IUs
3. Vitamin K. Ginagawang aktibo nito ang proteins na kailangan para maging matibay ang buto.
 Pangangailangan araw-araw: 65-80 micrograms
4. Magnesium. Nagpapagana ito sa production ng buto.
 Pangangailangan araw-araw: 100 to 400 milligrams
5. Activity. Makakatulong ito upang mapabuti ang daloy ng calcium sa buto
 Pangangailangan sa loob ng isang linggo: Isang malakas na ensayo para sa 2 o 3 araw kada linggo.
 
Mga dapat iwasan
Kung gusto mong maging matibay at malusog ang iyong mga buto, may mga bagay na dapat iwasan para makamtam ito.
1. Alcohol. Pinababa nito ang activity ng cells na gumagawa para makagawa muli ng buto.
 Anong dapat gawin?: Bawasan ang pag-inom nito kada araw.
2. Caffeine. Ang sobrang pag-intake nito ay magiging daan upang lumabas ang calcium.
 Anong dapat gawin?: Bawasan ang pag-inom masyado ng tsaa, coffee, soft drinks, at iba pang caffeinated drinks.
3. Sodium. Bakit? Gaya ng caffeine, dahilan ito upang mawala ang calcium.
 Anong dapat gawin?: Iwasan ang maaalat na pagkain.
4. Inactivity. Ang kawalan ng walang ginagawa ay daan upang limitahan nito ang daloy ng calium sa buto.
 Anong dapat gawin?: Mag-exercise araw-araw.
5. Smoking: Sinisira nito ang pangangailan ng katawan sa calcium.
 Anong dapat gawin?: Huminto sa paninigarilyo.

 

 

IWAS BREAST CANCER
http://www.abante.com.ph/

Maraming puwedeng pagbabago sa ating buhay ang direktang makakaapekto para makaiwas sa breast cancer.
Narito ang ilang bahay na maaari mo nang simulang gawin ngayon para sa mas mahabang buhay ng iyong mga boobs at manatili itong nakadikit sa iyong katawan
 
* Exercise 3 times a week---Hindi ibig sabihin nito na bumili ka ng lifetime membership sa gym o kaya’y mag-train para sa susunod na Olympic Games. Ang simpleng paglalakad sa inyong lugar o village ng isang oras, 3 beses isang linggo ay sapat na para mabawasan ang risk sa pagkakaroon ng breast cancer. Bakit hindi mo yayain ang isang kaibigan na sumama sa iyong paglalakad.
* Stick to low-fat diet---Hindi mo kailangang i-give up lahat ng masasarap at matatamis, kundi maghinay-hinay lamang sa pagkain nito at huwag araw-arawin. Sa pamamagitan nito at nang tamang ehersisyo, mapananatili ang tamang timbang. Less weight means less body fat. At kapag kaunti lamang ang taba sa katawan, kaunti lang din ang estrogen na siyang promoter at nourisher ng cancer cells sa katawan.
* Stop smoking---Mag-quit na agad kung kaya mo at umiwas din sa second hand smoke. Alam mo ba na kapag nakalanghap ka ng cigarette smoke, tumataas ang estrogen levels sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo.
Marami nang pananaliksik ang nagpatunay na masama talaga sa kalusugan ng tao ang secondhand smoke- Ayon sa American Cancer Society, kung mawawala lamang ang lahat ng tobacco products ngayon, 80 porsiyento ng sakit na cancer ay mawawala din.
* Limit your alcohol intake---Tumataas din ang risk nang pagkakaroon ng cancer kung madalas kang uminom ng alak. Kung social drinker ka, i-limit ang pag-inom ng kahit anong uri ng inumang nakalalasing,(para sa babae, hanggang 12.oz of beer, 6 oz. of wine or 1 oz. of hard drinks). Tandaan ang mga paaalalang nabanggit para sa breast cancer prevention.

 

 

Cancer of the thyroid
http://www.philstar.com/

ANG thyroid ay glandula na kumokontrol sa metabolic rate ng katawan.
Sintomas ng cancer sa thyroid: Ang paglaki ng thyroid ang unang sintomas subalit hindi ibig sabihin ay cancer na nga ito. Kabilang din sa mga sintomas ang pamamaos, nahihirapang lumunok at huminga at ang pagkakaroon ng kulani sa leeg.
Dahilan ng cancer sa thyroid: Mataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng cancer sa thyroid sa mga sumailalim sa x-ray ang kanilang leeg o ulo noong sila ay bata pa. Mataas din ang bilang ng mga may thyroid cancer sa mga naging biktima ng atomic bomb gaya ng nangyari noong World War II sa Hiroshima at Nagasaki, Japan.
Gaano kabigat ang cancer sa thyroid? Ang tumors na kumalat na sa lymph node ay mahirap nang gumaling. Gayunman ang tumors na nanatili sa thyroid gland at lymph nodes sa leeg ay 80 percent ang tsansang mabuhay 15 taon makaraan ang treatment.
 
Nakahahawa ba ang cancer sa thyroid?
Hindi.
 
Paano ang treatment?
Operasyon o pagtanggal sa thyroid gland at nakapaligid na lymph nodes. Kung ang tumor ay nakakalat sa throat tissues, radiation ang nararapat gawin.
 
Paano iiwasan ang cancer sa thyroid?
Umiwas sa unnecessary x-ray exposure lalo na sa bahaging leeg at ulo. Umiwas din sa radiation exposure.

 

 

Cancer sa pancreas
http://www.philstar.com/

ANG cancer sa pancreas ang isa sa itinuturing na most deadly cancer sa kasalukuyan. Marami ang hindi nakaaalam sa role ng pancreas sa katawan. It produces and secretes hormones and digestive juices.
 
Symptoms:
Pagkakaroon ng abdominal discomfort o masyadong pananakit ng tiyan. Paninilaw ng balat, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, dark-colored ang ihi, constipation, hindi matunawan at panghihina ng katawan.
 
Dahilan ng cancer sa pancreas:
Hindi ganap na matukoy ang dahilan. Gayunman, patuloy na pinag-aaralan ang kaugnayan ng alcohol, caffeine at tobacco na dahilan ng cancer sa pancreas.
 
Gaano kabigat ang cancer sa pancreas?
Fifty percent ng may cancer sa pancreas ang namamatay tatlong buwan makaraan na ito ma-diagnosed. Two percent ang nakasu-survive sa loob ng tatlong taon. Kapag ang cancer ay natuklasan sa advanced stage, maliit na ang tsansa na malabanan ito.
 
Nakahahawa ba ang cancer sa pancreas?
Hindi.
 
Paano ang treatment sa cancer sa pancreas?
Radical surgery ang itinuturing na epektibong paraan ng treatment kung ang cancer ay hindi pa naka-spread sa organs at blood vessels. Sa pamamagitan ng radical surgery, aalisin ang pancreas, stomach, bahagi ng bituka, bile duct at ang spleen.
 
Paano ba ito maiiwasan?
Walang maipapayo kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng cancer sa pancreas. Ang maagang pagkakatuklas sa cancer ang maaaring maghatid sa paggaling ng sakit. Ang cancer ay karaniwang tumatama sa mga may edad 35 hanggang 70 gayunman, 50 percent ay napatunayang dumapo sa may edad 70 pataas.

 

 

Pagpapababa ng blood pressure
http://www.abante.com.ph/  

Kung mataas ang presyon ng iyong dugo, delikado ito dahil tumataas ang peligro na magkaroon ng sakit sa puso, sakit sa bato, at stroke.
Ngunit ang mataas na presyon ng dugo ay hindi normal bilang bahagi ng pagtanda at may simpleng paraan upang makontrol ito gaya ng naitutulong ng gamot.
 
1. Limitahan ang sodium. Para mapababa ang presyon ng dugo, ang una nating iniisip ay ang pagkontrol sa sodium intake. Iminumungkahi na komonsumo lamang ng mas mababa sa 2,300 mg ng sodium kada araw (katumbas ng isang kutsaritang asin). Kung mataas ang presyon ng dugo, bawasan ito ng mababa pa sa 1,500 mg araw-araw (2/3 kutsaritang asin).
Dahil 75 porsyento ng ating sodium intake ay wala sa saltshaker kundi sa processed foods kaya suriin ang lahat ng food labels para sa sodium content.
 
2. Magkaroon ng sodium-fighting minerals. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang pagkain na mayaman sa potassium, calcium, at magnesium - sa madaling salita ang pagkain ng prutas, gulay at low-fat dairy product - ay nakaka-regulate ng presyon ng dugo. Nirerekomenda ang minimum na 4 servings ng prutas at 4 servings ng gulay kada araw, kasama ng 2-3 servings ng low-fat dairy products, at hindi hihigit sa anim na onsa ng lean meat.
 
3. Galaw-galaw. Maliban sa pagkain ng tama, nakakatulong ang ehersisyo para mapababa ang mataas na presyon ng dugo.
 
4. Bawasan ang alcohol. Ang sobrang alcohol ay nakakataas ng presyon ng dugo dahil naaabala nito ang bloodflow papunta at mula sa puso.

 

 

Transisyon
http://www.abante.com.ph/

Sa buhay ng isang babae, mas marami marahil ang mga transisyong nararanasan. Ito’y maging sa emosyonal o pisikal na aspeto. Dala ng dinidikta ng kultura, ang mga dinadaanang emosyon ng babae ay samu’t sari habang tumatanda. Ito’y bunga ng mga tradisyonal na papel ng babae sa mga relasyon, sa pamilya, sa tahanan at pananaw na maging mapagtiis lagi.
Sa aspeto ng pisikal, kalikasan ang konteksto ng mga pagbabago at transisyon. Taglay nating mga babae ang sistemang pangreproduksyon.
Dalagita pa lang, nariyan ang natural na yugto ng pagreregla -- hudyat na tumawid na ang babae mula sa pagkabata patungong pagkadalaga.
Ano ang katumbas nito sa kalalakihan? Pagpapatuli siguro. Pero minsanang ritwal lang ito. Sa bahagi ng babae, ang unang regla ay simula lamang ng buwanang karanasang magaganap ng marami pang taon. Tinatayang higit 40 taon itong mararanasan ng bawat babae.
Kapag nagbuntis ang babae, napakalaking transisyon na naman. Buong katawan ay makararanas ng makabuluhang pagbabago. Ang siyam na buwang pagdadalantao, mismong pagluluwal ng sanggol, ang pagpapasuso at ang pag-aaruga -- lahat ito’y matitinding transisyon sa babae na hindi naeengkwentro ng lalaki. Ibang klaseng yanig sa katawan ang mga ito.
Habang nagpapalaki ng mga supling, kasabay ng paghahanapbuhay at pagmintina ng tahanan, inaasahang taglay ng babae ang lakas ng isip, puso at katawan upang magampanan itong lahat na tungkulin. Sa mga pagkakataong may pisikal na hamon o karamdaman, ang babae’y kalimitang nagtitiis at ‘di gaanong iniinda dahil sa samu’t saring responsibilidad.
Pagdako ng edad 40, umpisa na ng mga unti-unting pagbabago sa estado ng katawan, emosyon at kabuuang kalusugan. Nariyan ang pananakit ng bahaging ibaba ng likod at pagbago ng disposisyon. Nagiging madalas ang iritableng kalagayan. May tila paglaho ng gana sa sekswalidad.
Mapupuna rin ang pagkalungkot o pagkabalisa na tila walang malinaw na dahilan. Mababalot minsan ng kaba o labis na nerbiyos. O kaya’y mananahimik lang sa isang sulok. Ayon sa mga dalubhasa, ito’y mga senyales ng yugto bago mag-menopause ang babae. Hatid marahil ang mga ito ng iba’t ibang pasanin sa pag-aalaga ng relasyong mag-asawa, pamilya, sa paghahanapbuhay, sa personal na mga adhikain.
Matinding pagbabalanse ang nagaganap sa yugtong ito. Malamang na habang dumaranas ng mga emosyong pabagu-bago, patuloy ang pagkalinga ng mga babae sa mga anak, at sa kalaunan sa tumatandang magulang o sa mga bagong dating na apo. Nagti-timbang din siya sa relasyon sa esposo na dumaranas din ng sariling pagbabago sa katawan, isip at disposisyon.
Sa harap ng lahat ng ito, paano nakakaraos ang babae? Siguro’y malaking tulong kung ang mga doktor, lalo na mga OB-GYN, ay nagsisikap ding alalayan ang sikolohikal at ‘di lang medikal na aspeto ng kalusugan at ng menopause. Pangunahin marahil ang detalyadong pagpapaliwanag sa mga natural na proseso at kompli-kasyong haharapin ng babae.
Tiyak na maraming babae ang ‘di pa talaga nakababatid sa impor-masyon at mga datos kaugnay ng menopause. May ilang doktor na nag-inisyatiba na sa direksyong ito. Mas maigi talaga kung ang pakikitungo ng mga medikal na propesyonal ay may oryentasyong titingin sa kabuuang aspeto ng kalusugan upang matutukan talaga ang pagpapagaling ng buong pagkatao at ‘di lang katawan.

 

 

Cancer sa obaryo
http://www.philstar.com/

ANG ovaries ay bahagi ng reproductive system ng babae. Ang bahaging ito ang nagpo-produce at tinatahanan ng ova (eggs). Ito rin ang nagpo-produce ng sex hormones.
 
Ano ang sintomas ng cancer sa obaryo?
Walang early warning signs ang cancer na ito. Kapag nasa malalang stage na saka lamang magkakaroon ng abnormal vaginal bleeding. Mayroong masasalat na tila namumuong laman sa pelvis at ang pagbabago ng bowel habits. Magkaminsan, ang namumuong laman ay made-detect kapag isinailalim sa routine physical examinaton ang pasyente. Fifty percent ng tumor ay hindi nade-detect at makikita lamang kapag nasa advanced stage na at nakakalat na sa bahagi ng ovaries. Hindi na ito maaaring operahin pa.
 
Ano ang dahilan ng cancer sa obaryo?
Hindi malaman ang dahilan at nagkakaroon ng cancer na ito.
 
Gaano kalubha ang cancer sa obaryo?
Depende sa type at sa lawak ng cancer. Seventy percent five year survival rate after surgical treatment kung ang cancer ay nasa labas ng obaryo. Twenty percent to 50 percent five year survival rate makaraan ang treatment kung ang cancer ay nagsimula sa labas ng ovary at kumalat na sa pelvic area. Ten percent survival rate if the cancer survival times are less than a year and half.
 
Nakahahawa ba ang cancer sa obaryo?
Hindi ito nakahahawa.
 
Paano ang treat-ment sa cancer sa obaryo?
Operasyon ang kadalasang rekomendado sa cancer sa obaryo. Aalisin ang ovaries, uterus, fallopian tube, at ang lymph nodes (mga kulani) na nakapaligid. Ang radiation theraphy at chemotheraphy ay maaaring isagawa para malipol ang mga natitirang cancer cells.
 
Paano maiiwasan ang cancer sa obaryo?
Wala. Ganoon man nararapat na iwasan ang pagpa-x-ray sa pelvis at abdomen. Dapat may protective shield ang mga baha?ging nabang-git para mabawasan ang radiation exposure sa area.

 

 

Cancer sa baga
http://www.philstar.com/

TINATAYANG nasa 111,000 katao sa buong mundo ang namamatay dahil sa cancer sa baga. Sa United States, 25 percent ang namamatay dahil sa sakit na ito.
 
Ano ba ang papel ng baga sa katawan?
Ang baga ang nagpo-process ng oxygen sa katawan at nagre-release ng carbon dioxide mula sa dugo. Sintomas ng cancer sa baga: Madalas na pag-ubo, paninikip ng dibdib at bloddy sputum ang mga sintomas ng moderately advanced lung cancer. Kapag nasa late stages na ang lung cancer, ang sintomas ay ang pananakit ng dibdib, pagbaba ng timbang, matinding paninikip ng dibdib, garalgal sa lalamunan at nahihirapang makalunok.
 
Dahilan ng cancer sa baga:
Matindi ang kaugnayan ng paninigarilyo sa cancer sa baga. Tinatayang nasa 85 percent ng cancer sa baga ay nakuha sa paninigarilyo. Doon sa mga naninigarilyo nang mahigit sa dalawang kaha isang araw, 30 times na maaari siyang mamatay dahil sa cancer sa baga. Ang iba pang dahilan ng cancer sa baga ay ang asbestos, coal tar fumes, petroleum oil mists, arsenic, chromium, nickel, iron, isopropyl oil, radioactive substance at air pollution.
Survival rate ng may cancer sa baga: Napakaliit ng survival ng may cancer sa baga. Mababa sa 10 percent ang nakaka-survive pagkaraan ng limang taong treatment. Sa loob ng 15 taon, ang survival rate ay hindi nagbabago kaya maituturing ang cancer sa baga na pinaka-mapanganib.
 
Nakahahawa ba ang cancer sa baga?
Hindi.
 
Paano ang treatment sa cancer sa baga?
Tinatayang 75 percent ng cancer sa baga ay karaniwang nade-detect kapag malala na at hindi na maaaring operahin. Kapag ang cancer ay nadetect nang maaga at hindi pa kumakalat sa iba pang bahagi, maaari pa itong operahin. Ang radiation theraphy at chemotheraphy ay ginagawa depende sa type ng cancer sa baga. Ang radiation theraphy ay ginagamit para matulungang ma-relieve ang pasyente sa kirot na dulot ng cancer.  
 
Ano ang dapat gawin para maiwasan ang cancer sa baga?
Tumigil sa paninigarilyo. Huwag nang mag-aral na manigarilyo ang sinuman. Iwasan ang mga chemical na maaaring magdulot ng cancer sa baga.

 

 

Cancer sa atay
http://www.philstar.com/

SA mga isinagawang pananaliksik, bihira ang nakaliligtas kapag ang isang tao ay dinapuan ng cancer sa atay. Ayon pa rin sa mga pag-aaral ang mga taong nasa bansang nasa Kanluranin (Western) ang sinasabing madalang na tamaan ng cancer sa atay.
 
Sintomas ng cancer sa atay:
Pagsusuka, hindi maipaliwanag na panghihina ng katawan, pagbaba ng timbang, paninilaw, anemia, sensitive stomach, discomfort at ang pananakit ng tiyan.
 
Dahilan ng cancer sa atay:
Tumataas ang bilang ng mga may cancer sa atay lalo na ang mga may cirrhosis. Itinuturo ring dahilan ang pagkakaroon ng parasitic infections na naka-attach sa atay.
 
Gaano kabigat ang cancer sa atay?
Bihira ang  nakaliligtas sa cancer na ito. Sinasabing 50 percent lamang ang nakaliligtas nang hanggang tatlong buwan makaraang ma-diagnose ang cancer. Madalang ang naireport na gumaling at maaari lamang mangyari kapag naalis sa pamamagitan ng operasyon ang lahat ng cancer sa bahaging apektado, pero bihira ito.
 
Nakahahawa ba ang cancer sa atay?
Hindi.
 
Paano ginagamot ang cancer sa atay?
Kung made-detect nang maaga maaaring maalis pa ang cancer sa pamamagitan ng operasyon subalit kapag nasa advanced stage na hindi na maaari ito. Ang chemotherapy at radiation ay maaaring gawin para ma-treat ang cancer.
 
Paano maiiwasan ang cancer sa atay?
Ang labis na pag-inom ng alak ay dapat iwasan. Mag-ingat din at nararapat kontrolin ang pagkalat ng parasites sa katawan.

 

 

Cancer sa kidney
http://www.philstar.com/

BIHIRA marahil ang nakaaalam na nagkakaroon din ng cancer sa kidney. Ang mga kidney ang pinaka-hard-working organs ng katawan sapagkat ito ang nagpi-filter ng mga potential na poisonous substances mula sa dugo, Maraming volume ng dugo ang nililinis ng kidneys sa loob ng apat o limang minuto.
 
Symptoms ng cancer sa kidney:
Dugo sa ihi, lagnat, pagbabago sa hormones ng katawan, pananakit ng likod at tagiliran. Kapag nasa advance cases, may masasalat na bukol sa bahaging apektado. Madalas ding magkaroon ng impeksiyon at anemia.
 
Dahilan ng cancer sa kidney:
Hindi alam ang dahilan ng sakit na ito.
Ganoon man, may kaugnayan ang cancer sa kidney sa pain-control drug phenacetin.
 
Gaano kabigat ang sakit na ito?
Kapag maagang natuklasan at nagamot ang cancer sa kidney, may 50 percent survival rate sampung taon makalipas ang treatment. Ang survival rates naman ay mas mababa kung ang cancer ay kumalat na sa lymph nodes, renal vein o membrane na naka-cover sa kidney.
 
Nakahahawa ba ang cancer sa kidney? Hindi.
 
Paano ang treatment?
Pagtanggal sa buong kidney at ang nakapaligid na tissue, ureter at ang malaking portion ng renal vein. Ang radiation theraphy ay maaaring isagawa para mapuksa ang natitirang cancer cells. Isinasagawa ang radiation bago naman umpisahan ang operasyon.
 
Paano makaiiwas sa cancer sa kidney? Iwasang gumamit ng pain-control drug phenacetin. Yung may mga kidney stones ay nararapat na ma-evaluate para ma-detect kung may signs ng cancer.
 
Karaniwang mga lalaki na nasa edad 50 hanggang 80 ang nagkakaroon ng cancer sa kidney. Ito ay silent disease na natutuklasan lamang kapag nasa advanced stage na. Ang dugo sa ihi ay nararapat na masuri para malaman kung ano ang dahilan nito.

 

 

Diyeta sa diabetes
http://www.philstar.com/

ALAM n’yo ba na ang diabetes ay napakasama at nakamamatay? Kaya kung kayo ay may diabetes, piliting makontrol ito. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng wastong pagkain. Heto ang tips na dapat tandaan.
 
1. Walang “mild” sa diabetes.
Kung ikaw ay may diabetes, ibig sabihin ay 50 percent ng iyong mga selula sa pancreas ay nasira na. Dahil dito, tumataas ang iyong asukal sa dugo ng lampas sa normal na 105 mg/dl.
2. Umiwas sa matatamis at matataba.
Ayon kay Dr. Augusto Litonjua, tinaguriang Ama ng Diabetes Medicine sa Pilipinas, hindi naman lahat ng pagkain ay pinagbabawal sa diabetes. Bawasan lang ang matatamis at ma-kolesterol na pagkain.
3. Tumanggi sa ice tea, soft drinks at capuccino. Magtubig na lang.
Alam n’yo ba na ang pag-inom ng isang basong ice tea bawat araw ay nakapagdaragdag sa inyong timbang ng isang libra bawat linggo? Ang isang basong soft drinks naman ay may pitong kutsa-ritang asukal. Grabe ang tamis! Kaibigan, tubig lang talaga ang tunay na Zero calories.
4. Mansanas at peras ang pang-diyeta na prutas.
Akala nang marami ay “all you can eat” ang mga prutas. Mali! Matamis at nakatataba ang mga prutas tulad ng mangga, pineapple, ubas, abokado at lychees. Hinay-hinay lang. Kung gusto mo ng mangga, isang pisngi lang ay sapat na sa isang kainan. Pagdating sa ubas, anim na piraso lang ang limit mo. 
Ang mga prutas na puwedeng kainin ay ang mansanas, peras at saging. Ngunit, huwag ubusin ang isang piling!
5. Puwede ang one cup rice at isang platitong ulam.
May mga pasyenteng hindi na kumakain ng kanin. Hindi po ito maganda. Sa katagalan ay hihina kayo at mawawalan ng sigla. Kailan din ng katawan natin ang carbohydrates para sa balanseng diyeta. Ang solusyon ay ang paglimita sa dami ng pagkain. Isang platitong ulam o gulay, na may one cup rice ay okey na, di ba? Good luck po sa pag-kontrol ng inyong diabetes.
 

Vitamins for your skin
http://www.abante.com.ph/

Hindi na natin maibabalik ang panahon kung may makita man tayong wrinkles o iba pang problem sa ating mukha. Gayunman, may mga paraan tayo para maagapan lalo na ang maaagang pagkasira ng balat. Unang-una dapat masustansya ang ating kinakain para makita ang malusog na balat.
Ano ang mga kailangan?
 
Selenium
Ang mineral na selenium ay mahalaga bilang glutathione peroxidase, pinoprotektahan nito ang katawan laban sa cancers, kasama na ang skin cancer, na nakukuha sa sun exposure. Pini-preserve ng selenium ang tissue elasticity, and slows down the aging and hardening of tissues through oxidation. Makukuha ang selenium sa whole grain cereals, seafood, garlic and eggs.
 
Vitamin E
Ito ang pinakamahalagang antioxidant sa katawan na prumoprotekta sa cell membranes. This also prevents damage to membrane-associated enzymes. Ang vitamin E ay makukuha sa vegetable oils, lalo na ang sunflower oil, grains tulad ng wheat germ, brown rice and oats, nuts, dairy products, meats at margarine.
Ayon laboratory research ang antioxidant, tulad ng vitamin E ay nakakatulong upang maging inactivate ang free radicals. Ayon pa sa iba pang pag-aaral, ang topical natural vitamin E, na kilala rin sa tawag na d-alpha-tocopherol, ay nakaka-reduce ng sunburn cell production, chronic UV-induced damage and the production of cancer causing cells.
Ang d-alpha-tocopherol ay nakaka-relieve ng dry, rough skin. When combined with vitamin C, ang mga vitamins na ito ay nakakagawa ng highly protective lotion against sun damage.
 
Vitamin C
Vitamin C is the most abundant antioxidant found naturally in the skin. Nakukuha ito sa mga gulay at citrus fruits. Tulad ng vitamin E, ang vitamin C ay mahalaga para pagre-repair ng free radicals and preventing them from turning into cancers and accelerating aging.
 
Kung may iba pa kayong nais malaman upang mapangalagaan ang inyong balat, magtanong sa inyong dermatologist upang ibigay sa inyo ang effective vitamins na bagay sa inyo.  

Mga dahilan ng pagkasira ng buhok
http://www.abante.com.ph/

Bad hair day talaga kapag nasisira ang buhok natin. At kahit pa anong paganda natin at pagiging maingat sa ganda ng ating buhok, hindi talaga maiiwasan ang masira ito dahil sa maraming dahilan o damaging elements.
 
Ito ang mga senyales kung nasisira na ang buhok:
- Dull ang buhok at walang kintab
- Tuyot at magaspang hawakan
- Mahirap suklayin dahil sa maraming buhol-buhol
- Flyaway ang buhok at maraming split ends
- Ang hirap ayusin at lagyan ng istayl
 
Anu-ano nga ba ang dahilan kung bakit nawawalan ng buhay o nasisira ang buhok?
Excessive brushing. Ang sobrang pagsuklay ng buhok lalo na kung ito’y basa pa ay sadyang nakakasira ng buhok. Mahina ang buhok kapag ito’y basa. Maging gentle sa pagsusuklay at makakabuting gumamit ng wide-toothed comb (at hindi iyong metal) o brush na may natural fibers.
Hair pins, clips. Ang type ng accessories na clip na ito ay masyadong mahigpit at ang sobrang higpit nito ay kadalasang nakakasira ng buhok.
Iwasan din ang paggamit ng rubber band. Gumamit lamang ng loose fitting comb o clip na may rubber padding.
Too much heat. Ang sobrang pagbilad sa araw o paggamit ng anumang heating tools sa paglalagay ng istayl ng buhok ay nakakasira rin ng buhok.
Kaya mas magandang patuyuin ang buhok ng natural o gamit lamang ng electric fan.
Over-washing. Ang sobrang paghuhugas o paglilinis ng buhok ay nakakawala ng buhay dahil natutuyo ang scalp kaya nagkakaroon ng flakes, at nakakabawas sa natural oils ng ulo na pumuprotekta sa ugat ng buhok.
 
Malamig na panahon. Mabilis matuyo ang buhok kapag taglamig dahil walang gaanong humidity sa hangin. Ang lamig na ito at pagtuyot ay sanhi kung bakit mabilis masira ang buhok. Ang weekly deep treatments ay makakatulong upang hindi maging dry ang buhok.

 

Gaano kahalaga ang almusal?
http://www.abante.com.ph/

Ang sabi nga nila, breakfast is the most important meal of the day lalung-lalo na sa mga bata. Alam mo ba kung bakit?
Isipin mo na lang na ikaw ay isang sasakyan. Matapos ang buong gabi na ikaw ay tulog, natural na mawalan ka ng fuel sa katawan. Wala ng fuel sa tangke (katawan) mo. At ang fuel na ito ang bagay upang umandar ka.
 
Anong dapat mong kainin?
Any breakfast is better than no breakfast, pero mas mabuting huwag kumain ng doughnuts o pastries palagi. Mataas kasi ito sa calories, sugar at fat. Wala rin itong nutrients na dapat makuha ng mga bata. Kung kakain ng doughnuts sa almusal, maya-maya gutom ka na naman.
Gaya ng ibang pagkain, kumain ng pagkaing masustansya gaya ng:
- grains (breads and cereals)
- proteins (meats, beans, and nuts)
- fruits and vegetables
- milk, cheese and yogurt
- eggs
 
Ang ibang bata ay hindi nag-aalmusal dahil late na silang matulog kaya’t atrasado din ang kanilang paggising na dahilan kung bakit sila payat. Kung ang tao ay hindi mag-aalmusal, hindi siya magiging malusog pati na rin ang kanyang timbang. In fact, ang taong hindi nag-aalmusal ay madalas kumain ng pagkain na mataas sa calories sa buong araw.
Ang batang hindi nakapag-breakfast, ay mahirap makahabol sa lesson sa school. Dahil wala silang lakas, lupaypay ang pakiramdam nila at hindi makapag-participate sa talakayan sa eskuwelahan. They get less iron (isang mahalagang nutrient) kaya’t maputla sila at madaling mapagod.
Kapag ang bata ay nag-almusal, madali silang makipag-participate sa activities sa school at isang paraan ito para maging malakas at matalino sila sa klase.

 

Vit. D malaking tulong sa buto
http://www.abante.com.ph/

Sa mga matatandang babae, ang pagdagdag ng vitamin D sa regular calcium supplements ay nagbibigay ng mahabang termino ng pagbabago sa hip bone density, ayon sa ulat ng mga researchers.
Upang ma-evaluate ang relative benefits ng calcium na mayroon at walang vitamin D sa kalusugan ng buto, si Dr. Richard Prince, ng University of Western Australia, Perth, ay nag-assign ng 120 na mga babae na mag-take ng 1200 milligrams na calcium araw-araw kasama ng inactive placebo pill o vitamin D tablet, o dalawang placebo tablets.
Ang mga babaeng ito ay nasa pagitan ng edad 70-80 taong gulang. Matapos ang isang taon, ang bone mineral density sa kanilang baywang ay na-preserve sa calcium group at ang calcium+vitamin D group, ngunit hindi sa double-placebo “control” group.
Gayunman, sa tatlo at limang taon, ang grupo na nagkaroon ng calcium plus vitamin D group ay namantina ang kanilang hip bone density, ayon sa report ng mga investigators sa Journal of Clinical Endocrinology and Metabolism.
Napagtanto nila na ang tamang levels ng vitamin D ay mahalaga para sa calcium upang magampanan nito ang trabaho upang maging malusog ang mga buto. (SOURCE: Journal of Clinical Endocrinology and Metabolism, online January 17, 2008)
 
 

Your sweet smile
http://www.abante.com.ph/

Maganda ba ang iyong mga ngiti? Aba’y dapat lang!
Mahalagang maging alagang-alaga ang ating mga ngipin, para habang tumatagal dala-dala natin ang magandang ngiti at ang tamang kalusugan nito. Kaya ito ang ilang tips upang mapangalagaan pa ang ating ngipin.
1. Brush twice a day both in the morning and before going to bed. Turuan din ang mga bata na gawin ito.
2. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa calcium at protein dahil kailangan nito ng ating ngipin.
3. Learn the proper way of brushing from your dentist. Kailangan ng special attention to the back teeth at sa mga pagitan ng ngipin. Mag-floss ng regular.
4. Palitan ang toothbrush once in 2 months.
5. I-massage ang gums gamit ang inyong malinis na daliri to improve blood circulation.
6. Iwasan ang matatamis na pagkain at inumin to reduce your risk of tooth decay.
7. Chew fennel seeds or mint to get rid of bad breath. Ang 2 cloves nito matapos kumain ay mahusay to freshen your breath.
8. Magmumog gamit ang asin (rock salt) at tubig every night after meals.
9. Ang paglilinis ng dila ay mahalaga para sa oral hygiene.
10. Gumamit ng toothpaste containing fluoride.
11. Iwasan ang sobrang init at lamig na mga pagkain at inumin.
12. Magpa-check up sa inyong dentist.
 

FEET & LEGS CARE
http://www.abante.com.ph/

Hindi kailangan gumastos ng mahal para mapangalagaan ang ating mga paa. May mga natural na paraan para maging maganda iyo.
Dagdag kalaman pa na ang ating mga legs ang siyang nagbubuhat ng bigat ng ating katawan. Kaya dapat lang na alam natin kung paano ito alagaan, at maging bahagi ng ating beauty routine.
1. Ibabad ang paa sa large basin o bowl na mayroong warm water at mineral salt sa loob ng 10 minutes. Maaaring maglagay ng pebbles sa large bowl at i-roll ang mga paa back and forth giving slight pressure dahil nakakamasahe ito. Kuskusin gamit ang pumice stone para mawala ang dead skin. Hugasan ang paa ng mabuti, at punasan ito at masahihin gamit ang moisturizing cream.
Maaaring maglagay ng lemon juice sa tubig dahil ito ay may antiseptic qualities. Rose petals can be added to the water.
Maaari ring maglagay ng 2 drops of lavender essential oil to the water to have a spa effect at home.
2. Natural remedy for treating cracked feet: 
Hugasan ang paa ng mabuti at lagyan ng Vaseline o petroleum jelly sa gabi at magsuot ng cotton socks bago matulog. Sa loob ng ilang linggo, magiging soft na ang inyong mga paa. Option din ang paglalagay ng olive oil regularly para sa softness effect.
3. Ang paglalakad ay isang best exercise for your legs. Go for brisk walk at least 5 days a week.
4. Ang isa pang exercise for your feet: Hold your ankles with your hand and rotate clockwise and anticlockwise. Gawin ito sa inyong legs.
Also rotate each toes with your fingers. Bend the toes forward and backwards.
I-point ang inyong toes downwards as far as possible then flex them as high as possible. Gawin ito sa inyong legs. Exercise will improve blood circulation to your feet.
5. Iwasan ang heels as far as possible.
6. Bumili ng tamang sukat ng sapatos which is comfortable for you.
7. Magkaroon ng oras para mamasahe ang inyong legs gamit ang coconut oil o olive oil everyday before bath.
 

Bigyang halaga ang kalusugan at katawan
http://www.abante.com.ph/

Lahat tayo ay may iba’t ibang nalalaman sa mga bagay-bagay. Ngunit ilan lamang sa atin ang prayoridad ang magkaroon ng maayos na pangangatawan at kalusugan.
 
Napapabayaan ang balat
Alam natin na ang sobrang pagbibilad sa araw ay nakakasira ng balat. At ang hindi pagkakaroon ng tamang kaalaman sa paggamit ng mga produkto bilang bahagi ng pagpapaganda ng balat ay maaari ring makasira ng balat. Mas maiging komunsulta sa doktor o dermatologist upang magabayan kayo sa pangangalaga ng inyong balat.
 
Ang hindi pagkain ng almusal
Hindi mahirap ang humarap sa hapag kainan para magkaroon ng masaganang almusal na gigising sa inyong sistema para magkaroon ng isang produktibong araw.
Habang tayo ay natutulog, ang ating metabolism ay bumababa, kaya sa ating paggising kailangan ng ating katawan ang pagkain upang muling gumana ang ating metabolism.
Mayroon sa atin na iniiwasan ang almusal sa dahilang mabawasan ang ating calories at ang ating timbang. Pero mali ito, dahil sa oras na kakain ka na ay lalong mapaparami ang kain at magdadagdag sa iyong timbang.
 
Paninigarilyo
Kung hindi mo pa alam na masama ang sigarilyo sa katawan - hindi lang masama, pero nakakamatay, maaaring nasa denial ka o manhid talaga sa pag-aalaga sa kalusugan.
Ilan lang ang problemang ito na dala ng paninigarilyo: lung at throat cancer, premature wrinkles, pagtaas ng peligro maging impotent para sa mga lalaki, komplikasyon sa pagbubuntis.
Tunay na nakaka-addict ang paninigarilyo at mahirap talaga na mawakasan ito. Gayunman, kailangan talagang mahinto ito para sa mas malusog na kalusugan.
 
Walang sapat na tulog
Nakakatuwang isipin na abala tayo sa iba’t ibang uri ng trabaho kung saan tayo rin ang nakikinabang nito. Ngunit kung ang tinatrabaho natin ay kumakain na ng oras ng ating pamamahinga, hindi na ito nagiging maganda. Hindi maganda na kulang tayo sa tulog o sobrang pagpupuyat.
Maaaring tamaan tayo nito ng sakit sa baga, madaling tamaan ng stress, at sisira sa sistema ng ating katawan. Madaling matuyo ang katawan kapag kulang sa tulog sa gabi o kung tayo ay nagpupuyat at hihina talaga ang resistensya natin. Kailangang magkaroon ng sapat na tulog anim hanggang walong oras kada araw.

Osteoporosis
http://www.abante-tonite.com/

Ang osteoporosis ay isang sakit ng mga buto. Unti-unting nawawala ang nilalaman ng mga buto, lalo na ang calcium, kaya’t nagiging marupok ito at madaling mabali. Pinakamadalas mangyari ito sa mga buto ng gulugod, balakang at sa pulso. Nangyayari ito sa mga may edad na, mas madalas sa mga babae. Sinasabi nila na isa sa tatlong babae at isa sa limang lalake ay mayroong osteoporosis. Mas laganap pa pala ito kaysa sa breast kanser at sa prostate kanser. Sa mga babae kapag nagkaroon na ng menopause, mabilis na magkaroon ng osteoporosis sapagkat ang ovary nila ay tumigil nang gumawa ng estrogen, isang hormone na kailangan sa paggawa ng buto, at ang calcium sa mga buto nila ay nawawala kaya’t nagiging marupok. Sa mga lalake habang tumatanda, unti-unti lamang nababawasan ang kanilang hormone na testosterone kaya’t matagal pa bago sila magkaroon ng osteoporosis.
Bakit ba nagkakaroon ng osteoporosis ang isang tao? Ang mga Genetic factors ay pagiging matanda, pagiging isang babae, at mayroong kapamilya na mayroong osteoporosis. Ang Lifestyle factors ay kulang ang pagkain ng calcium, kulang sa Vitamin D, walang exercise o kulang ang physical activity, malakas uminom ng alak at naninigarilyo. Mayroong mga sakit na nagdudulot ng osteoporosis gaya ng hyperparathyroidism, chronic renal failure, at mga sakit sa atay at bituka. Ang mga matagalang umiinom ng corticosteroid ay maaaring magkaroon din nito.

 

 

Breast Cancer
http://www.abante.com.ph/

Ang breast cancer
Nangyayari ang breast cancer kung ang cells sa suso ay nagsisimulang lumaki na walang kontrol at maaaring makasira ng katabing tissues o kumalat sa buong katawan. Ang kanser na ito ay nagre-rely sa estrogen (hormone ng babae) para lumaki. Ang malaking koleksyong ito ng di makontrol na tissues ay tinatawag na tumor. Gayunman, hindi lahat ng tumor ay talagang kanser dahil hindi ito kumakalat o banta sa buhay. Ang tawag dito ay benign tumors.
Ang tumor na puwedeng kumalat o makasira ng ibang tissues ay maaaring ikonsiderang kanser at tinatawag itong malignant tumors. Batay sa teyorya, anumang uri ng tissue sa suso ay maaaring magporma bilang kanser, pero kadalasan ito’y nanggagaling sa ducts (daluyan ng likido) o glands (glandula). Maaaring umabot ng buwan hanggang taon upang ang tumor ay lumaki para makapa ito sa suso.
 
Posibleng senyales ng breast cancer:
* Pagkakaroon ng bukol o pagkakapal sa suso o sa kilikili
* Pag-iba ng hugis ng suso
* Pagtulo mula sa suso o paglubog ng utong
* Pamumula o pagkakaliskis ng balat sa utong
* Pagtupi o pagkakaroon ng butas sa balat ng suso
 
Sanhi ng breast cancer:
Walang eksaktong sanhi ng breast cancer, ngunit ang ilang contributors ay...
* delayed menopause at pagbubuntis
* contraceptive pills at hormone replacement therapy
* pagkain
* lifestyle
* nasa lahi

 

 

Diabetes
http://www.abante-tonite.com/

Ang diabetes ay isang sakit na panghabambuhay. Narito ang mga katotohanan tungkol sa diabetes mellitus:
 
- Diabetes ang pang-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao sa mundo.
- Diabetes ay inaakala na makakapagbawas ng 12-14 taon sa buhay ng taong may sakit nito.
- Ang mga diabetiko ay 2-4x mas madalas magkaroon ng sakit sa cardiovascular system kaysa sa mga taong walang diabetes.
- Ang cardiovascular disease ang pinakamadalas (50%) na sanhi ng kamatayan ng mga diabetiko.
- Hanggang sa 70% ng lahat ng naputulan ng paa ay dahil sa diabetes.
- Diabetes ang nagdudulot ng 35-45% ng bagong kaso ng end-stage renal disease (sakit sa bato) kada taon.
- 10-20% ng mga diabetiko ay namamatay ng dahil sa sakit sa bato.
- Diabetic retinopathy (sakit sa mata na nakakabulag) ay nangyayari halos sa lahat ng mayroong type 1 diabetes at 77% ng mayroong type 2 diabetes na nabuhay ng 20 taon na mayroong diabetes.
- Ang diabetic retinopathy ang dahilan ng halos 5% ng 37 milyong kaso ng pagkabulag sa buong mundo.
 
Huwag kayong mag-atubili. Magpa-testing kayo ng blood sugar upang malaman kung mayroong diabetes.

 

Tonsillitis
http://www.philstar.com/

TONSILLITIS ang tawag sa namamagang tonsils. Madalas kasing sabihin ng iba na “masakit ang aking lalamunan dahil mayroon akong tonsils.” Mali po. Ang tama ay “masakit ang aking lalamunan dahil sa tonsillitis.”
Bacterial o viral infection ang dahilan kaya namamaga ang tonsils. Karaniwang streptococcal bacteria ang dahilan.
Saan ba nakikita ang tonsils? Ang tonsils ay makikita sa magkabilang side sa ilalim ng bibig at tinatawag din itong palatine tonsils. Gayunman mayroon din namang pares ng tonsils sa ilalim ng dila at tinatawag itong lingual tonsils. Ang adenoid ay tinatawag namang pharyngeal tonsils at matatagpuan sa likod ng ilong. Ang lahat ng mga ito ay bahagi ng katawan na nagsasanggalang sa infection. Karaniwang mas malaki ang tonsils sa panahon ng kabataan.
Ang mga sintomas na mayroong tonsillitis ay ang pangangati at pananakit ng lalamunan, mahirap makalunok, pananakit ng punong tenga at lagnat. Karaniwang mga bata ang nagkakatonsillitis.
Puti ang kulay ng tonsils dahil sa mga materials na naimbak dito at dahil na rin sa pamamaga ng lymph node sa leeg. Ang may tonsillitis ay karaniwang makararanas ng kawalang gana sa pagkain.
Maaaring magkaroon ng nana ang tonsils kaya ipinapayo ang agarang pagpapa-check-up sa doctor. Kailangan ang hustong pahinga at dapat uminom nang maraming tubig.

 

 

2 klase ng fiber
http://www.abante.com.ph/

2 Corinthians 4:16-18 says "That is why we never give up, though our bodies are dying, our spirits are being renewed everyday. For our present troubles are quite small and won’t last very long. Yet they produce for us an immeasurable great glory that will last forever. So we don’t look at the troubles we can see right now; rather, we look forward to what we have not yet seen. For the troubles we see will soon be over, but the joys to come will last forever.
Today I have chosen na bigyan kayo ng kaalaman galing sa librong `Day by Day With Your Health Coach’ by Beverly Chesser.
Ayon sa kanya, may dalawang klase ng fiber. Insoluble at soluble. Ang fiber sa wheat bran at whole wheat ay primarily insoluble at itong klase ng fiber na ito helps prevent constipation and may protect against colon cancer. Ang soluble fiber naman ay natatagpuan sa oat bran, legumes at ang prutas ay nakakatulong magpababa ng blood cholesterol.
Ang ehersisyo ba ay nakakapaglaban ng pagkakaroon ng cancer? OO. Lalung lalo na ang colon cancer. May report published 2 years ago that found those who never highly or moderately active had a 50% lower risk of colon cancer.
Ano ba ang ibig sabihin ng active na mga tao? Ang active na tao ay yung using more than 1000 calories per week sa recreational activity. Parang equivalent ito sa jogging or playing tennis 2 hours a week or walking 10 miles a week.
Physical activity and a low fat high fiber diet may account for much of the reduction in the risk o colon cancer.
Ilan grams daw ng fat do we need each day? Ang mga babae need between 20 and 40 grams, ang mga lalaki, 30 and 60 grams.
Paano natin mababawasan ang fat intake natin? Here are a few simple ways
Eliminate kung maaari o bawasan and intake ng 2 main sources of fat calories in our diets ? cheese at mayonnaise. Eliminate o bawasan ang fast food items. They are loaded with fat. Kumain ng simple, low-fat meals.
Breakfast would include fruit, cereal, skim milk, o whole wheat bread. Pwede ding oatmeal. Lunch pwede kang mag pasta with chicken, brown rice with anong protinang gusto mo o salad with chicken o fish. Dinner may consist of the same.
Lord, help me to think about the way I eat and be wise enough to make changes for the better.
Do you have a tendency to overeat? Alam nyo bang ang pectin, a natural water soluble fiber is useful in treating overeating?
Ano ba ang nagagawa ng pectin? Pectin slows down the digestive process.
Saan natatagpuan ang pectin? Sa prutas tulad ng apples, grapes, grapefruits, barriers at plums.
Pectin also aids in digestion and so it helps you feel full so you don’t overeat.
By simply including fresh fruits in your diet, you will feel more satisfied.
God, the creator of our bodies gave us different kinds of fruit to eat. Let us take advantage of this God given food that is low in fat, sodium and calories.
Sana’y may natutunan kayo at makakatulong para magkaroon kayo ng healthier bodies.
God gave us our bodies and HE is in each of us. So let us take good care of them.
Commit yourself to our heavenly Father. Ask Him to help you make lifestyle changes that will give you a healthier body mind and spirit.
You can do anything thru Christ your Savior. Have a God filled day! God wants your best life for you. He is in control of your life. Focus your eyes on HIM. Think not of what you cannot do, but on what God can and will do for you. Our troubles re temporary but God’s love is eternal.

 

May ADHD ba ang anak mo?
http://www.abante.com.ph/

Ang anak ni Lita ay masyadong‘pasaway’. Ito’y pre-schooler at ugaling magsisigaw, magtatalon, umakyat, mahilig maglaro at may pagkakataong hindi talaga maawat sa kanyang mga ikinikilos.
Para kay Lita, bata lang ang kanyang anak at lalaki ito kaya natural lang ang kanyang pagiging malikot. Magsasawa rin ito paglaon. Walong taon na ngayon ang kanyang anak ngunit hindi nagbago ang ikinikilos nito. Dinala niya ang anak sa isang doktor at sinuri kung ito ay may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.
Ang ADHD ay isang common behavioral disorder na nakakaapekto sa tinatayang 8 hanggang 10 porsyentong school-age na mga bata. Ang mga lalaki ay tatlong beses na mayroon nito kaysa sa mga babae, ngunit ito’y walang sapat na paliwanag. Ang batang may ADHD ay kumikilos na hindi nag-iisip, hyperactive, at mahirap maka-focus. Naiintindihan nila kung anong dapat nilang ikilos, ngunit mahirap para sa kanila na ito’y sundin, dahil hindi puwedeng pumirme sa upuan, makinig o intindihin ang isang bagay.
Syempre, lahat ng bata ay kumikilos ng ganito paminsan-minsan, lalo na kung sila’y anxious o excited. Ngunit ang kaibahan ng ADHD ay ang sintomas nito na tumatagal at nangyayari sa iba’t ibang sitwasyon. Hirap silang kumilos ng tama socially, academically at sa bahay.
Ngunit sa tamang treatment, ang batang may ADHD ay maaaring matuto at ma-handle ang kanilang mga sintomas.
 
Ano ang sintomas nito?
Unang nakilala ang ADHD sa attention deficit disorder o ADD. Noong 1994, ginawa itong ADHD at nahahanay sa 3 subtypes, na may pagkakaiba sa pag-uugali.
1) inactive type na may senyales na:
- hirap na makinig sa mga detalye o may tendency na magkamali sa schoolwork at ibang activities
- hirap at tuluy-tuloy na mag-focus sa mga gawain o play activities
- hirap na makinig
- hirap sumunod sa instructions
- hirap sa pag-aayos
- ayaw o umiiwas sa bagay na may kailangan ng mental effort
- nakakawala ng laruan, notebooks o homework
- madaling ma-distract
- makakalimutin sa daily activities
2) hyperactive-impulsive type, na may senyales na:
- hilig maglaro o nahihiya
- hirap na pumirmeng nakaupo
- sobrang palatakbo o hilig pumanik
- maingay maglaro
- lagging ‘on the go’
- masyadong madaldal
- hilig sumagot kahit wala pa ang tanong
- hindi makapaghintay
- hindi masaway
3) pinagsamang uri ng binanggit sa itaas at common ito
 
Bagamat mahirap ang pag-aalaga sa batang may ADHD, mahalagang malaman na sila’y hindi masamang bata, at hindi nila sinasadya ito. At ang batang nasuring may ADHD ay hirap na makontrol ang kanilang ugali na walang gamot o behavioral theraphy.
 
Paano ito nagagamot?
Sa maraming kaso, ang ADHD ay sa paggagamot ng primary care doctors. Dahil walang test na makakapagsabi ng pagkakaroon ng ADHD, ang paggagamot ay depende sa complete evaluation. Kung ang paggamot ay may pagdududa, o may iba pang kinalaman, gaya ng Tourette syndrome, isang learning disability, o depression, ang bata ay maaaring dalhin sa neurologist, psychologist, o psychiatrist.
 
Anong sanhi ng ADHD?
Ang ADHD ay hindi dahilan ng kakulangan sa pag-aalaga, kasobrahan sa asukal, o mga vaccines. Mayroon itong biological origins, na hindi pa rin maintindihan. Wala ni isang sanhi ng ADHD na natuklasan, ngunit ang mga researchers ay tumutuklas ng mga bagay sa posibleng genetic at environmental links. Ayon sa pag-aaral maraming mga bata na may ADHD ay may malapit na kamag-anak na may parehas na kaso.
Kahit hindi sigurado ang mga eksperto kung ito’y sanhi ng disorder, natuklasan nila may certain areas sa utak na umaabot sa 5 hanggang 10 porsyentong maliit ang sukat at activity sa mga bata na may ADHD. Dito, nakita rin ang chemical changes sa utak.
Sa kamakailang pag-susuri, may kinalaman din ang paninigarilyo sa panahon ng pagbubuntis ng ina na nagiging resulta ng ADHD sa bata kalaunan. Ang iba pang risk factors ay may kinalaman sa premature delivery, sobrang babang birth weight, at injuries sa utak pagkapanganak.
Minungkahi rin sa ilang pag-aaral ang link ng sobrang agang panonood sa telebisyon at future attention problems. Sinasabing ang batang may edad 2 pababa ay hindi pa dapat magkaroon ng ‘screen time’ (DVD, TV, videotapes, computers o video games) at ang batang may edad 2 pataas ay magkaroon lamang ng 1 hanggang 2 oras na panonood kada araw o mas mababa pa sa quality TV programming.

IRON KONTRA PAGOD
http://www.abante.com.ph/

Ang pagkonsumo sa iron-rich na pagkain ay makakatulong para malabanan ang pagod at upang mapanatili nitong maganda ang kondisyon ng ating immune system. Kapag wala kang iron sa katawan, maaapektuhan nito lahat mula sa red blood cells hanggang sa utak nito hanggang sa pagpokus sa isang bagay; maaaring humantong sa anemia; seryosong kondisyon kung saan ang katawan ay hindi na gumawa ng sapat na red blood cells.
Ngunit marami sa atin ang nakakakuha ng mineral na ito sa pagkain ng tamang kombinasyon ng iron-rich foods at iba nutrients na susuporta sa absorption ng iron.
 
Ano ito?
Ang iron ay mahalaga sa pagbuo ng protein na tinatawag na hemoglobin, na natatagpuan sa red blood cell na nagdadala ng oxygen sa buong katawan. Samakatuwid, kung hindi sapat ang iron-rich na pagkain at makapag-absorb ng sapat na iron, ang katawan ay hindi makakagawa ng sapat na dami ng hemoglobin. Ang mahalagang oxygen ay hindi makakarating sa muscles at utak, at madali kang mapapagod.
 
Ang kawalan ng iron ay nakakapag-develop din ng iron-deficiency anemia, isang kondisyon kung saan wala kang sapat na dami ng red blooc cell sa iyong system at deficiency rin ito sa kapasidad ng pagdadala ng oxgen sa katawan.
Ang anemia ay maaaring maging sanhi ng matinding pagdurugo, sakit sa bato, at syempre, kakulangan sa pagkakaroon ng iron. Ang warning signs sa pagkakaroon ng anemia ay pagkapagod, kaputlaan at kinakapos sa hininga. Ang pagkakaroon ng restless leg syndrome ay senyales din ng iron-deficience. Kahit na ang inyong iron ay hindi gaanong mababa ang lebel, ang mild na iron deficiency ay mayroon ding matinding side effects. Ang mga teens na hindi sapat ang iron sa katawan ay mahina sa school at ang matandang walang iron ay hirap na makapag-concentrate. Ang kababaihang walang iron ay madaling lamigin.
 
Ihalo sa pagkain
Huwag hayaan na ang iron deficiency ay maging hadlang sa inyong kasiyagan. Para makasigurong ang inyong red blood cells ay kayang magdala ng sapat na oxygen sa katawan at maraming energy, ikonsumo ang recommended daily allowance (RDA) na 15 milligrams (mg) araw-araw kung ikaw ay wala pang 50; 10 mg, kung higit nang 50 o 30 mg kung ikaw ay buntis.
 
Ang iron-rich foods ay makikita sa maraming uri ng pagkain at madaling ihalo sa ibang pagkain.
Ang lettuce, mustard greens, spinach at iba pang madahong gulay ay nagbibigay ng sapat (about .85 mg kada serving) na dami ng iron. Ayaw mo ng salad? Puwedeng ilagay ito sa omelet at soups.
Ang red meats tulad ng baka ay magbibigay ng 1.5-2 mg ng iron kada serving depende sa klase. Siguraduhin lang na bilhin ang lean cuts para maiwasan ang saturated fat.
 
Ibang pagkain mayroong iron:
Kidney beans, wheat bran, raisins, blackstrap molasses, at clams.
Extra credit: ihalo ang mga pagkaing ito sa orange o isang handful na strawberries para marami ang iron sa katawan. Ang vitamin C ay napatunayang nakakapagpataas ng absorption ng iron, ngunit iwasan ang pagkain ng iron-rich foods na may naglalaman ng calcium at caffeine; ito’y may substances na humahadlang sa ability ng katawan para ma-absorb ang mineral.
 
Huwag sosobra sa iron
Kung under medial condition ka na monitoryado ng doctor, ang iron-rich food ay dapat naaayon sa iyong RDA na hindi magiging opsyon ang supplements. Ang sobrang iron ay maaaring maging sanhi ng anemia, internal loss ng dugo sanhi ng nagdurugong ulcer.

TAMANG PAG-AALMUSAL
http://www.abante.com.ph/

Ang pag-aalmusal ay isang bagay na kinakatamaran gawin ng marami sa atin. May ilan namang nag-aalmusal ngunit ‘basta’ na lamang ito at hindi inaalam kung tama bang pagkain ang napupunta sa kanilang sikmura. Halimbawa nito ang isa o dalawang piraso ng tinapay na sasabayan sa paghigop ng mainit na kape. Kuntento na sila rito, ngunit hindi ang kanilang tiyan.
Pinakamahalagang parte ng araw ay ang umaga. Kung hindi sapat ang calories at nutritive materials ang hatid ng almusal, ibig sabihin nito kalahating araw kang walang lakas at tutulug-tulog. Kailangan ng at least 1/3 ng iyong daily norm ng calories, at kalahati nito’y mas mainam.
 
Ano nga bang ang tamang pagkain bilang almusal?
Cereals - para sa mas matagal na lakas
Prutas - para sa dagliang pagkuha ng enerhiya at bitamina
Dairy products - para sa protina at mineral substances
 
Kung inyong napansin, marami kayong puwedeng pagpilian, kaya bago n’yo pa iwasan ang almusal, mag-isip muna. Ang kaunting effort sa pagkain ng almusal ay malaking bagay upang gising ang inyong katawan at isipan sa umpisa pa lang ng araw.

Blood poisoning
http://www.philstar.com/

MAPANGANIB ang pagkalason ng dugo sapagkat maaaring mamatay ang pasyente. Sangkot kasi rito ang blood circulation at lahat ng sistema ng katawan. Ang dugo ay kakikitaan ng pathogenic microorganisms (bacteria).
Kapag may lason ang dugo, ang temperature ay ta-taas nang biglang-bigla, manginginig ang katawan, mamamawis, mananakit ang katawan at biglang ba-baba ang blood pressure.
Kailangang madala agad sa doctor ang pasyente sapagkat maaaring magkaroon ng shock at maaaring mamatay lalo pa kung mayroon siyang ibang karamdaman sa oras na iyon.
Ang treatment sa blood poisoning ay antibiotic theraphy. Kinakailangang bigyan ng antibiotics ang pasyente sa malaking amount hanggang sa bumalik sa dati ang condition. Kung ang pagkalason ng dugo ay dahil sa impeksiyon sa iba pang bahagi ng katawan gaya ng gall bladder, operasyon ang kinakailangan dito.
Ang pagkalason ng dugo ay maaaring resulta rin ng impeksiyon sa sugat o sa lugar kung saan may binunot na ngipin. Maaaring dahilan din ang inoperang appendix. Ang mga matatanda at mga sanggol ay malaki ang panganib na malason ang dugo sapagkat mababa ang kanilang immunity.
Payo ko, magpatingin agad sa doctor kapag may im-peksiyon, sugat o anupamang injuries. Magkaroon ng regular dental check-up.

 

 

Paano maiiwasan ang pananakit ng ulo?
http://www.abante.com.ph/

Bahagi na ng buhay ang pananakit ng ulo. Nangyayari ito sa atin. Sa kahit na kanino. Kapag tinamaan ka nito, alam mo kung anong puwedeng gawin nito sa iyo.
Pigilin ang pananakit ng ulo bago pa man magsimula ito. Kailangan mong magkaroon ng healthy lifestyle. Ibig sabihin kailangan tamang nutrisyon, regular exercise at sapat na tulog. At kung tatamaan ka pa rin ng pananakit ng ulo, subukan ang paraang ito:
 
1. Alamin ang dahilan
Alamin kung bakit sumasakit ang iyong ulo. Magkaroon ng headache diary. Isulat kung anong nangyayari sa iyo sa loob ng isang araw dahilan ng pagsakit ng iyong ulo. Anong klima, o iba pang detalye. Ito ang magsisilbing pattern mo.
 
2. Stress
Ang muscle stiffness mula sa physical o emotional stress ay maaaring maging dahilan ng headache. Ang stress at pagkabahala ay nakakasakit din ng ulo. Gawin ang relaxation techniques gaya ng yoga at meditation para mabawasan ang stress level mo.
 
3. Pagtulog at regular na pagkain
Kulang o sobrang tulog ay dahilan ng pananakit ng ulo, at naiiba nito ang iyong sleep patterns. Dapat magkaroon ng tamang pagtulog weekdays man o weekends.
Ang lipas-gutom ay masama rin. Kapag gutom ka, bumababa ang blood sugar mo, at ang mababang blood sugar ay resulta ng pananakit ng ulo. Kumain sa oras at iwasan ang alcohol. Para sa karamihan, ang red wine at beer ay sanhi ng pananakit ng ulo. Bagamat nakakatulong ang pag-intake ng caffeine sa pananakit ng ulo, ang sobra dito ay maaaring pagsimulan ng nasabing sakit.
 
4. Exercise
Ang cardio vascular exercise apat hanggang limang beses kada linggo ay tulong para maiwasan ang headache, ayon pa kay Nissan. Piliin ang exercise na angkop sa iyo upang maging tama ang galaw ng iyong pangangatawan. Paglalakad, pagba-bike at iba pa ay paraan para maiiwasan ang naturang sakit. Huwag sobrahan ang exercise lalo na kung hindi ka sanay dito.
 
5. Tumayo nang tuwid
Pag hindi maganda ang posture, ang sakit ay mapupunta sa balikat at neck muscles dahilan ng tension headache. Masdan kung tama ang pagtayo o pag-upo. Dapat tuwid ang likod. Paminsan-minsan igalaw-galaw ang mga mga muscles.
 
6. Paningin
Kung babad ang mga mata mo sa computer, lahat ng sakit ay mapupunta sa iyong mga mata at hahantong sa tension-type headache. Kung nararanasan ang regular na pananakit ng ulo matapos ang araw na nag-computer ka, kausapin ang doktor at ipakusulta ang mata o maglagay ng glare-reducing screen para mawala ang pananakit.
 
Kapag migraine na, kailangan ng prescription medication. Gayunman, ang mga gamot na ito’y may side effects. Halimbawa ang anti-seizure medications ay maaaring maging dahilan ng fetal abnormalities, kaya maiging magpakonsulta sa doktor.

 

Huli man daw...
http://www.abante.com.ph/

Maihahabol din kahit medyo huli na. Ang tinutukoy ko rito ay ang kalusugan ng katawan ay kaya pa ring makamit kahit medyo nahuli ang pagsimula ng malulusog na gawi. May mga pag-aaral sa Amerika na nagpapatunay nito.
Kahit daw sa edad 40 o 50 nag-umpisa ng mga hakbang sa pagiging malusog ay puwede pang maiwasan ang panganib ng sakit sa puso at maagang pagpanaw. Maraming sakit ang dulot ng estilo ng pamumuhay. At payo ng mga dalubhasa na kung sundin lamang ang apat na gawi, kahit nga raw sa katandaan, ay maaari pang mapahaba ang buhay.
Ang pinipiling diyeta ay isang susi sa pagtamo ng katawang malaya sa maraming karamdaman. Sa partikular, ang pagkain ng lima o higit pa sa limang serving ng prutas at gulay kada araw ay dapat sundin. Ang pag-ehersisyo naman ng dalawa’t kalahating oras kada linggo ay esensyal din. Sunod dito’y pagmintina ng ideyal na timbang. At panghuli ay ganap na pag-iwas sa paninigarilyo.
Ito ang apat na gabay sa pamumuhay na maghahatid ng mas mababang panganib ng sakit sa puso o kamatayan. Sa pag-aaral, natuklasang ito’y nabawasan nang mula 35% hanggang 40%. Ngunit napatunayan ding kapag istriktong ginawa ang apat na gabay ay mas matitiyak ang kaligtasan sa maagang pagpanaw at atake sa puso sa mga may edad 40-50.
Hindi sinasabi ng mga eksperto na dapat nating hintaying dumako sa edad na ito. Ngunit pinapayo lang na sakaling nakaligtaan ang mga gabay sa malusog na pamumuhay noong kabataan ay ‘di pa rin talaga nahuhuli kung magsimula sa katandaan. May tiyak namang benepisyong kanais-nais. May pag-asa pang maging maaliwalas ang kalusugan.
Sa pag-aaral, may libu-libong Amerikanong may edad mula 45 hanggang 64 ang inobserbahan. Natukoy na kapag tatlo lamang sa apat na gabay ang sinunod, ‘di gaanong malaki ang resultang positibo sa kabuuang kalusugan. Ngunit ‘yung mga talagang sumunod sa apat ay malaki ang bawas sa potensyal na pinsala sa mga sistema ng katawan lalo na sa puso.
Inaamin ng mga nanaliksik na maaaring may iba pang ginawang mabuting gawi sa kalusugan upang matamo ang malaking pagbabago sa katawan. Tulad ng pagbawas ng maalat na pagkain at pagdagdag ng calcium sa mga kinakain. O kaya pag-iwas sa tensyonadong mga trabaho o anumang gawain.
Nadiskubre rin sa pag-aaral na ang mga kalalakihan, mga mababa ang antas ng edukasyon at mga mahirap ay hindi kasing masunurin sa mga gabay. Gayundin, ang mga taong may diabetes at altapresyon ay malamang ‘di makasunod sa apat na pamantayan kahit noon pang sila’y mas bata.
Ang ulat na ito’y magandang balita sa mga nakatatandang tila nawawalan ng motibong magbago ng estilo ng pamumuhay. Minsan kasi ang tendensiya ay magpabaya tutal matanda na naman at tila naghihintay na lang. Ngunit marami rin ang nagsisikap talagang maging malusog.
Ang masaklap lang ay minsan ‘yung mga nagbabago sa katandaan mula sa isang estilo ng buhay ng pag-aabuso ng katawan ay ‘di nagtatagumpay. Malimit ay parang bumabawi sa katawan ang matagal na masamang gawi noong kabataan. Halimbawa may mga taong labis na palainom ng alak sa panahon ng teenager. Dagdagan pa ito ng pagpupuyat at paninigarilyo. Pagdako sa edad 40 ay biglang nagbago.
Ngunit pagdating sa edad 50 o mahigit ay biglang may mga nararamdaman sa kung saang parte ng katawan tulad ng atay o bato. Ito pala’y parang pagbabayad sa mahabang panahon ng mga bisyo. Umukit na ang pinsala sa mga bahagi ng katawan at mahirap nang burahin sa pagbabago ng pamumuhay.
Dahil dito marahil ang mga payo naman ng ibang dalubhasa na simulan ang estilo ng pamumuhay na masustansya ang nutrisyon at aktibo ang katawan sa pagkabata pa lamang. Sa pagsanay sa batang malantad sa malusog na mga gawi ay madadala niya ito sa pagtanda at maisasalin din sa sunod na henerasyon ng kanilang magiging anak.

 

Gallstones
http://www.philstar.com/

ANG gallstones ay mga bato na namuo sa gallbladder o apdo. Maraming uri ng gallstones: cholesterol, pigment at mixed. Calcium salts ang karaniwang nakikita sa mga gallstones at iba’t iba ang laki o hugis. Karaniwang matatanda ang nagkakaroon ng gallstones at karamihan ay mga kababaihan.
May mga kaso na lumilipas muna ang maraming taon bago lumabas ang sintomas na may gallstones ang isang tao. Ibig sabihin kahit mayroon nang gallstones, hindi pa rin kakikitaan ng symptoms.
Ang sintomas na may gallstones ay ang matinding sakit sa itaas na bahaging kanan ng tiyan. Madarama rin ang sakit sa bahaging likod. Makararanas ng pagduwal o pagsusuka at hindi matunawan. Kapag ang bato ay nagdaan sa bile duct at bumara rito, maninilaw ang pasyente. Ipinapayo ang agarang pagkunsulta sa doctor kapag lumitaw ang mga sintomas ng gallstones.
Ang eksaktong dahilan nang pagkakaroon ng gallstones ay hindi pa malaman subalit ang kanilang formation ay masasabing dahil sa pagpapalit ng bile composition at dahil sa pagiging less soluble ng cholesterol. Ang bato ay sinasabing madaling mabuo kung ang gall bladder ay nagkakaroon ng impeksiyon.
Ang gallstones, kapag maliit pa ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng ultrasound waves. Babasagin ito ng ultrasound hanggang sa matunaw. Maaari rin namang gamutin sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot. Matu- tunaw ang gallstones sa pamamaraang ito. Ang gamot ay kailangang i-take sa loob ng dalawang taon pero maaa-ring magkaroon ng side effects ang pasyente.
Ang pag-opera sa gallstones ay maaari ring isagawa ? maaaring sa conventional methods o sa pamamagitan ng paggamit ng fiberoptic instruments (fiberopric endoscopy).

 

Sintomas ng stroke
http://www.philstar.com/

MARAMING nagtatanong kung ano ba ang sintomas ng stroke at kung ano ang mga gagawin kapag umatake ito.
Ang stroke o brain attack ay physical effects kung saan napaparalisis ang biktima dahil sa pinsala sa utak kung saan nagkaroon ng pagtigil ng suplay ng dugo rito. Ang dahilan ng stroke ay kadalasang dahil sa athero-sclerosis o ang pagtigas at pagliit ng mga ugat dahil sa pagtanda ng isang tao. Nababarahan ng namumuong dugo ang mga maliliit na ugat patungo sa utak na tinatawag na thrombosis. Isa pang dahilan ng stroke ay ang pagdurugo o hemorrhage sa utak dahilan para tumagas ang dugo sa brain tissue. Ang blood vessels ay puputok at dito magkakaroon ng leakage at ito ang tinatawag na aneurysm.
Ang mga sintomas ng stroke ay ang kawalan ng panimbang sa bawat pagkilos, pamamanhid ng isang bahagi ng katawan, pagkawala ng boses, mental confusion, panlalabo ng mga mata, pananakit ng ulo, pagka-hilo at maingay na paghinga.
Kung inatake ng stroke, tawagan ang amblansya !!9 ang numero diro sa Japan.  
 

Bumibigat ba ang timbang mo?
http://www.abante.com.ph/

Kahit anong exercise pa natin, hindi gaganda ang ating katawan kung hindi maganda ang ating eating habits and decisions. Ito ang mga rason kung bakit tayo napapakain ng marami at kung paano maiiwasan ito.
 
Nakakalimutang kumain
Kung kikilos tayo nang deretso limang oras na walang kain (puwera na lang kung natutulog) magiging sobrang gutom tayo, at parang naroon ang pakiramdam na temporary kang hindi nabubusog kaya todo ang kain mo kapag nariyan na ang pagkain. Kung hindi ka nakakain sa loob ng limang oras, kumain ka kahit kaunti, kahit hindi ka pa nagugutom.
 
Kumakain kahit upset
Kumakain ka dahil pakiramdam mo parang ‘empty’ ka at gusto mong maalis ang feeling na ito - hindi dahil sa gutom ka at kailangan mo ng pagkain. Ang unnecessary calories dito ay madadagdag upang bumigat ang iyong timbang. Masdan mo kung anong nangyayaring ito. (Wala ka lang bang magawa? Nininerbyos ka ba?). Bigyang-pansin ang problemang ito - sa paraang ito, maiiwasan mong kumain sa ganitong paraan.
 
Walang patid sa pagkain kasama ang kaibigan
Kung masyado kang aliw sa pagkain at pakikipag-usap, hindi mo mapapansin na busog ka na pala - kaya kain ka nang kain. Kung kumakain ka higit sa kailangan ng katawan mo, magkakaroon ka ng extra calories o taba. Hindi kailangang talikuran ang kaibigan. Sa halip kumain nang marahan - namnamin at unti-untiin ang pagkain. Mapapansin na mabubusog ka.
 
Paninindigan sa pagbabawas
Ayusin ang inyong pagkain. Ilagay sa tamang oras at dapat masusustansyang pagkain lang ang kainin. Kung busog na, huminto na muna at magpahinga.
I-analyze mabuti ang pagkaing gustung-gustong kainin. Healthy ba ito? O baka ang tamis lang nito ang habol mo at hitsura kaya takam na takam ka?

 

Gulay at prutas mabisa kontra kanser
http://www.abante.com.ph/

Sa tatlong pag-aaral na ipinakita sa annual meeting ng American Association for Cancer Research noong Abril, napag-alaman na ang pagkain ng gulay at prutas ay nakakatulong upang mabawasan ang tsansang magkaroon ng head and neck, breast, ovarian at pancreatic cancers.
Sa isang pag-aaral, ang karagdagang serving ng gulay o prutas ay nakakabawas sa pagkapeligro ng pagkakaroon ng head and neck cancer. Mas maraming nakokonsumong gulay at prutas mas maigi.
"Those who ate six servings of fruit and vegetables per 1,000 calories had a 29 percent decreased risk relative to those who had 1.5 servings," ayon kay Neal Freedman, isang Cancer Prevention Fellow sa division ng Cancer Prevention sa National Cancer Institute at awtor ng isa sa mga pag-aaral.
Sa pangalawang pag-aaral, ang mga mananaliksik sa University of California, Los Angeles, ay nagkaroon ng lab experiments kung saan ang broccoli at soy protein ay may laban kontra sa agresibong breast at ovarian cancers.
Kung kakainin ng sabay, ang broccoli at soya ay nakakabuo ng compound na tinatawag na diindolylmethane (DIM). Sa lab experiments, napag-alaman na ang DIM ay nakakaapekto sa motility ng breast at ovarian cancer cells, na makakapigil sa cancer upang kumalat ito.
Ayon kay Tara Miller, isang program manager ng Center for Corporate Wellness sa New York University Medical Center sa New York City, isang concern sa soya ay ang pagkain nito na maaaring maging problema sa mga taong may estrogen-fueled cancers, dahil ang soya ay gumagalaw gaya ng estrogen sa katawan. Masustansya ang soya at puno ng nutrisyon ngunit ipinapayo na kumain lang ng tama nito.
Ang pangatlong pag-aaral ay tumutok sa pagkain ng 183,518 tao mula sa California at Hawaii, at kinumpara ang kanilang pag-intake ng flavonols sa kanilang risk sa pagkakaroon ng pancreatic cancer. Ang flavonols ay mga protective compounds na makikita sa prutas at gulay, gaya ng sibuyas, mansanas, berries, kale at broccoli.
Ayon naman kay Melanie Polk, isang nutrition education adviser sa American Institute for Cancer Research, "Eating a large variety of plant-based foods is one of the best things you can do for your health in terms of cancer prevention."

 

Mag-ingat at baka kayoy mahirinan
http://www.philstar.com/

HINAY-HINAY lamang sa paglunok ng pagkain at baka kayo’y mahirinan. At hindi dapat ipagwalambahala ang hirin sapagkat maaaring ikamatay. Kung sa paglunok at ang flap ng cartilage na tinatawag na epiglottis ay hindi bumaba para mapigil ang pagpasok ng pagkain sa trachea (windpipe), iyan ang tinatawag na hirin. Bumara na ang pagkain sa daan ng hangin. Magkaminsan ay nagsusuka ang nahirinan at nailuluwa niya ang bagay na nakahirin subalit bihira ang ganito kaya nahihirapan siyang huminga. Agad kumilos kung may nahihi-rinan sapagkat sa loob ng tatlo o apat na minuto ay mawawalan siya ng oxygen.
Palatandaan ng isang nahihirinan kung hawak niya ang kanyang lalamunan at hindi siya makapagsalita; kung siya ay nakikitang distressed at panicky; at kung ang kanyang paghinga ay tila ba sa isang mawawalan ng malay.
Ganito ang gawin kung may nahihirinan: Italikod ang biktima at bigyan nang limang hampas sa likod sa pagitan ng buto sa balikat. Kung hindi umubra ang paghampas, abdominal thrusts ang dapat gawin. Isalikop ang mga kamay sa katawan ng biktima sa may bahaging pusod at itaas-baba siya. Ang technique na ito ay Heimlech’s manoevre. Kung wala pa ring nangyayari sa kabila nito, tumawag na ng doctor para mabigyan siya ng resuscitation.
Kung bata naman ang nahirinan, ilagay nang pahalang at nakataob ang bata sa inyong kandungan. Tampalin siya nang limang beses sa pagitan ng mga buto sa balikat. Kung hindi umubra, itihaya ang bata, suportahan ang kanyang likod at mariing itulak pataas nang limang beses. Kung ang bata ay nawalan na ng malay, tumawag na ng doctor para mabigyan ng resuscitation. Paalala lamang na huwag gagawin ang abdominal thrusts sa batang wala pang isang taong gulang.
Mahigpit kong babala na huwag ipapasok ang inyong daliri sa lalamunan ng biktima para dukutin ang bagay na nakahirin. Lalo lamang papasok pailalim ang bagay na nakahirin at mahirap nang alisin.

 

PAMAMAHINGA PAGKAPANANGHALI
http://www.abante.com.ph/

Sinasabi ng kasalukuyang pananaliksik, na ang nakaugaliang pamamahinga pagkapananghali ng karamihan ng tao ay normal lamang at nakabubuti sa ating katawan. Sa isinagawang pag-aaral, ang mga taong hindi nakapagpahinga kahit ilang minuto pagka-pananghali, sa pagitan ng ala-una at alas-kuwatro ng hapon, ay nagkakaroon ng depekto sa pagiging alisto, at ang kanilang gawain at pagkilos ay karaniwang bumabagal.
Ang palatandaang ito ay hindi dahil sa pagkain o kultura na gaya ng dating akala, kundi dahil sa isang pagbabago sa biyolohikal na orasan ng tao. Sa panahong iyon, ang mga tao ay maaaring makatulog sa loob lamang ng mga ilang minuto na maaaring maihambing sa walong oras na pagtulog sa isang gabi.
Bagamat ang pagkaalisto at ang pagsasagawa ng trabaho ay bumuti sa mga namahinga pagka-pananghali, gayunman inilagay din sila nito sa mas mabuting kalagayan ng isipan. Ang mga bata rin ay mas mabait pagkatapos mama-hinga bagaman hindi sila aktuwal na natulog.
Samantala, pinatunayan ng isang maingat na pagsusuri na bagamat ang pamamahinga pagkapananghali ay may mabuting idinudulot sa tao, ang matagal naman at mahabang pahinga sa kama ay hindi makabubuti sa isang taong may angking karandaman.
Ayon kay Sir Richard Asher, ang gayong nakaugalian ng tao sa panahon ng gamutan ay nauuwi sa mas malaking suliranin sa ating katawan at itinawag-pansin niya ang mga panganib sa kalusugan na maaaring kauwian nito na gaya ng thrombosis, pagkaubos ng kalamnan, pagkawala ng calcium sa mga buto, sakit sa bato, di pagdumi, at panlulumo.
Ipinakikita sa mga awtopsiya na ang panganib ng thrombosis kasunod ng isang nakamamatay na pulmonary embolism ay tuwirang nauugnay sa haba ng pahinga sa kama bago ang kamatayan.
Sa kabilang dako naman, iminumungkahi ng mga doctor ang pahinga sa kama sa mga kaso ng grabeng kirot sa likod dahil sa sciatica at mga komplikasyon sa dakong huli ng pagbubuntis.
Totoo na sa ibang grabe o malubhang karamdaman, maaaring walang ibang mapagpipilian kundi ang magpahinga. Naniniwala ang mga doktor na minsang lumampas na ang krisis, ang pagbangon at pakilos ay nagpapabilis sa paggaling.

 

 

Autism
http://www.philstar.com/

ANG autism ay mental disorder na pinaniniwalaang dahil sa brain damage at hindi dahil sa emotional trauma. Sa bawat 2,500 tao, isa ang may autism. Ang sintomas ng autism ay ang kawalang kakayahan ng tao na makipag-communicate at makabuo ng relasyon sa kanyang kapwa. Hindi makapagsalita at may kakulangan ng language development.
Maraming magulang ang nakapapansin na may mga pagkain at inumin na nagpapalala sa kalagayan ng kanilang anak na autistic. Isa sa mga halimbawa ay ang caffeine na matatagpuan sa coffee at tea at ganoon din sa softdrinks. Kapag nakainom ng coffee, tea at softdrinks ang isang autistic, hindi siya mapakali at nagiging iritable. Nararapat na tandaan ng magulang ang mga pagkain at inumin na nagiging dahilan ng problema at alisin ito sa kanilang diet. Ganoon man, tandaan din na ang pagbabawal sa mga autistic na kumain at uminom ng kanilang gusto ay maaaring makapagdulot din ng problema. Tandaan na dapat magkaroon ng well-balanced diet ang may autistic.
Sa mga ginawang eksperimento at pag-aaral sa vitamin theraphy, sinabi na ang mataas na dosis ng vitamin B6 ay nakatutulong sa behaviour ng autistic. Tandaan din naman na ang vitamin therapy ay hindi dapat isagawa hangga’t walang medical supervision.

 

 

Ang appendicitis
http://www.philstar.com/

ANG appendicitis ay ang pamamaga ng vermiform appendix. Ang appendix ay isang blind-ended tube na may 9 hanggang 10 centimeters ang haba. Bahagi ito ng large intestine. Ang appendicitis ang pinaka-karaniwang abdominal emergency sa mundo.
Maaaring magka-appendicitis ang lalaki at babae at kahit anong gulang maliban sa mga bata na wala pang dalawang taong gulang. Pinaka-karaniwan na nagkakaroon ng appendicitis ay ang mga kabataang lalaki at babae na may edad 25.
Ang sintomas ng appendicitis ay ang pananakit ng tiyan na nagsisimula sa may bahaging pusod at gumagapang sa kanang bahagi o right iliac fossa. Matindi ang mararanasang sakit at lalong matindi kapag inuubo o kung humihinga nang malalim. Makararanas ng pagsusuka, pagtatae, lagnat at pagkawala ng lasa. Maaaring manigas o mamaga ang tiyan.
Nararapat kumunsulta agad sa doctor ang sinumang may sintomas ng appendicitis. Hindi dapat ipagwalambahala ang ganitong kalagayan.
Isasagawa ng doctor ang pag-opera o ang tinatawag na appendicectomy sa pasyente.
Kapag hindi agad naisagawa ang pag-opera at napabayaan ang appendicitis, puputok ito at magkakaroon ito ng nana o magiging gangrena. Kakalat ang mga pumutok na laman ng appendicitis at maiimpek- siyon ang peritoneal cavity at maaaring ikamatay ng pasyente. Ang pagputok ng appendix ay kadalasang nangyayari sa mga may edad nang pasyente.

  9 NAMAMATAY KADA ORAS DAHIL SA SAKIT SA PUSO
http://www.abante.com.ph/

Ang sakit sa puso ay nananatiling pangunahing sanhi ng kamatayan sa ating bansa at siyam na Pilipino ang namamatay kada oras dahil dito ayon sa Cardiovascular Disease Prevention and Control Program ng Department of Health (DoH).
Dagdag pa ng DoH, tinatayang isa sa dalawampung tao na may edad kuwarenta pataas ay may sakit sa ugat ng puso (coronary heart disease) samantalang isa sa sampung tao na may edad kinse pataas ay may alta presyon (high blood pressure) na parehong maaaring magdulot ng sakit sa puso.
Ayon pa sa DoH, ang isang taong malakas manigarilyo, sobra sa timbang o may katabaan, madaling mapagod, walang aktibong pamumuhay at may mataas na kolesterol sa dugo ay mas nanganganib na magkaroon ng sakit sa puso.
Ilan sa paraan ng pag-iwas sa sakit sa puso ay ang pagtigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak; pag-iwas sa mataba, mamantika at maalat na pagkain; pagkakaroon ng regular na ehersisyo at pahinga; pagkain ng wasto; at pagpapanatili ng tamang timbang at normal na presyon ng dugo.

 

Alalay sa puso
http://www.abante.com.ph/

Kapag humantong na ang edad sa bandang 40 o 50, malimit na paksa sa mga huntahan ang lagay ng kalusugan. Nariyan ang pagdaing ng humihinang tuhod at mga kasukasuan, ang mabilis na pagdapo ng pagod, ang mabagal na pagbawas ng timbang. At kung anu-ano pang malalaking pagbabago.
Sa mga manginginom at naninigarilyo, nagpapalitan ng karanasan ukol sa mga problema sa atay o baga o puso.
Di ko na rin mabilang ang mga kaibigang inatake sa puso, na-stroke o nagpa-bypass. May ilan na ring binawian ng buhay dahil sa mga sakit sa puso, baga o atay.
Di maikakailang sila rin mismo’y umambag sa kinahantungan nilang sitwasyon. Bukod sa namanang disposisyon sa angkan na magkasakit sa puso, nariyan ang patuloy na kapabayaan sa uri ng nutrisyon at pamumuhay. Hitik pa rin sa taba at alat ang mga inuulam. Ayaw pa ring wakasan ang mga bisyong pagyosi at inom ng alak.
Ang totoo’y kayang maiwasan ang mga karamdaman sa puso kung susunod sa ilang gabay ng malusog na pamumuhay.
Pangunahin ang pagkain ng tama at sapat na dami ng pagkain. Mas lamang dapat sa gulay at prutas. Mas konti lang dapat na mamantika at maalat na ulam lalo na mula sa fastfood at prinosesong pagkain.
Di nagsasawa ang mga dalubhasa sa pagpapaalala ng regular na ehersisyo. Ito kasi ang nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo bukod sa paraang magbawas ng timbang. Humahantong ito sa mas malakas na muscle ng puso at mga daluyan ng dugo. Kung naninigarilyo, itigil ito nang ganap. Wala nang duda sa kaugnayan nito sa altapresyon, atake sa puso at stroke.
Syempre kasama lagi sa dapat itigil na bisyo ang labis na pag-inom ng alak. Nakakapag-angat ito ng presyon, sinisira ang heart muscles. Payo ng mga eksperto, ilimita ang pagkonsumo ng alak sa isang inumin kada araw (para sa mga babae) at dalawang inom (para sa mga lalaki). Ang sukatan ng isang inumin ay isang bote ng beer o kalahating baso ng alak.
Bawasan o kung kaya, iwasan ang stress o labis na kapaguran. Minsan ang uri ng trabaho ay natural na kasama ang stress. Susi rito ang akmang pagharap sa sitwasyon. Tiyaking maghanap ng mga paraan upang malabanan ito o matutong magrelaks at magpahinga.
Huwag talikuran ang mga libangang dating kinaaaliwan.
Tulog na sapat ay lubhang mahalaga. Pahayag ng doctor na nakakadagdag ng timbang ang kakulangan ng tulog.
Maari ring maging sanhi ito ng sakit sa puso. Pito hanggang walong oras ng tulog pa rin ang ideyal sa ating katawan.
Sa bandang huli, sarili natin mismo ang makakatulong sa maayos na pag-alaga ng puso. At wala pa ring tatalo sa argumentong mas maigi ang maingat na prebensyon kaysa sa magastos at mapanganib na pagpapagamot.

 

 

Ang mga kababaihan at ang cancer sa suso
http://www.philstar.com/

Sa Pilipinas, ang cancer sa suso ang malaganap na sakit na tumatama sa mga kababaihan. Sa United States, tinatayang 130,000 kaso bawat taon ang naitatala samantalang sa United Kingdom, tinatayang 27,000 kaso ang naitala taun-taon.
Karaniwang tinatamaan ng cancer sa suso ay mga kababaihang nasa pagitan ng 45 hanggang 70 taong gulang subalit batay sa mga records, may mga babaing edad 30 pababa ang tinatamaan na rin ng cancer sa suso.
Ang mga kalalakihan man ay maaari ring dapuan ng cancer sa suso subalit maliit lamang ang bilang nito. Madali ring maagapan at nagagamot.
Ang mga babaing may malapit na kamag-anak, maaaring ina, kapatid at tiya, ay malaki ang panganib na magkaroon ng cancer sa suso. Karaniwang nagkaka-cancer ang mga kababaihang maaagang nagkaregla at ang mga atrasadong nag-menopause. Batay naman sa records, ang mga kababaihang nagbuntis nang maaga at nagpadede sa kanilang mga sanggol ay may malaking proteksiyon laban sa cancer sa suso.
Napatunayan naman na ang mga kababaihang survivors ng ibinagsak na atomic bomb sa Nagasaki at Hiroshima ay nagkaroon nang malaking panganib sa cancer sa suso.
Marami ang nagtatanong kung ano ang mabuting gawin para maiwasan ng mga kababaihan ang cancer sa suso. Walang 100 percent advice na maibibigay subalit ang low fatty diet ang kinokonsider na mainam. Ipinapayo rin ang regular na pagkain ng sariwang gulay at mga prutas. Regular na magpa-check-up sa doctor ang mga kababaihan.
 

 

Asthma control
http://www.abante-tonite.com/

Noong taong 2003, ang Asthma Insight and Reality In The Asia Pacific (AIRIAP) ay nagsuri ng mga mayroong asthma at nakita nila na rito sa Pilipinas, 93% ng mga pasyente ay gumagamit lamang ng mabilis na panglunas na "bronchodilators" (nagpapalaki ng tubong dinadaanan ng hangin upang mas madaling makahinga). Anim na porsiyento lamang ang gumagamit ng pangkontra -- mga sinisinghot na corticosteroids -- upang huwag atakehin ng asthma.
Hindi dapat ganito. Noong 1960s pa, alam na ang pamamaga ng bronchus ay magdudulot ng atake ng asthma at ang kaalamang ito ay ibinabalita na sa madla ngunit kaunti lamang ang nakakaalam nito rito sa Pilipinas.
Karamihan sa mga Pinoy ay hindi alam na nakokontrol ang asthma. Ang pinakaimportanteng gamot upang makontrol ang asthma ay ang mga corticosteroids. Si Dr. Teresita De Guia, isang dalubhasa sa sakit sa baga ay nagsabi noong isang convention ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP) na mayroong tatlong klase ng kontrol ng asthma: 1. Totally controlled; 2. Well controlled; at 3. Uncontrolled.
Sa totally controlled asthma na pasyente, hindi nagkakaroon ng mga symptoms (mahirap huminga) kaya’t hindi na kailangan ang mga "rescue medicines" (pampalaki ng bronchus). Hindi na biglang pupunta sa emergency room ngunit paminsan-minsan ay kailangang magpakita sa doktor. Sa buong mundo, kasama na ang Pilipinas, halos 50% ng pasyente ay maaaring ma-totally controlled at halos 80% ang ma-well controlled. Para sa mga well controlled, mayroong dalawang gamot na ibinibigay.
Ito ay ang B2 agonist at ang corticosteroid na pangmatagalan ang epekto.
Ano ba ang humahadlang sa pagkakaroon ng kontrol ang asthma? Una na ay ang pasyente mismo. Hindi niya alam kung ano talaga ang dahilan ng sakit niya at medyo binabalewala niya ito. Akala niya ay walang namamatay dahil sa asthma. Mali ito.
Kailangan ay magkonsulta sila sa mga dalubhasa sa sakit sa baga.
Ang isang well controlled na asthmatiko ay gagastos ng higit-kumulang sa P10,000 sa isang buwan ngunit ang isang uncontrolled na pasyente ay maaaring gumastos ng P60,000 kapag paulit-ulit na inaatake.
Ang sakit na asthma ay pangmatagalang panahon o kaya ay panghabambuhay. Hindi ito napapagaling ngunit ito ay maaaring makontrol.

 

 

Katarata
http://www.philstar.com/

MARAHIL ay nakakita na kayo ng mga taong may katarata. Mapapansin ninyo na binalutan ng ulap ang kanilang mga mata. Unti-unting natatakpan ang itim ng mga mata.
Ang katarata ay isang condition kung saan ang lens ng mata ay nagiging matigas at opaque. Ito ang nagiging dahilan kaya nagiging blurred ang paningin. Ang lens ng mga mata ay nakapaloob sa isang manipis na capsule at ito ang responsible sa tumatamang liwanag papasok sa retina kaya nagkakaroon ng hugis ang imahe.
Ang katarata ay karaniwang tumatama sa mga nagkakaedad na tao pero maaari ring tumama sa mga kabataan. Ito rin ay maaaring mamana ng sanggol sa kanyang inang may katarata.
Karaniwang sintomas ng katarata ay ang panlalabo o pagblurred ng mga mata na habang tumatagal ay nagiging grabe.
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng katarata. Una ay ang natamong kapinsalaan ng mata; ikalawa ay ang mga tinatawag na metabolic disorders kagaya ng diabetes at hypoparathyroidism; ikatlo, congenital disorders particular ang Down’s syndrome at German measles o rubella. Gayunman, ang pinaka-karaniwang dahilan ay ang pagtanda ng tao.
Ginagamot ang katarata sa pamamagitan ng operasyon. Aalisin ang bahagi ng lens na apektado o maaaring ang kabuuan nito.
Kapag napansin ng mga nagkakaedad na nagiging blurred ang paningin, huwag itong ipagwalambahala at agad kumunsulta sa doctor. Ang mga impeksiyon sa mata ay nangangailangan ng agarang pagtingin. Magkaroon ng regular eye checkup at sight tests.

 

 

Tamang pag-iingat sa balat
http://www.abante.com.ph/

It keeps your insides from falling out. It helps you warm up when you’re cold and can cool you off when you’re hot. It lets you feel things by touch. It protects you. Iyan ang nagagawa ng ating balat.
Gaya ng ating puso, tiyan at utak ang ating balat ay isang organ ng ating katawan. Alam n’yo bang ang balat natin ang largest organ sa ating katawan? Malaking proteksyon ang nagagawa ng ating balat sa ating katawan upang maiiwas tayo nito sa mga sakit. Kung pinangangalagaan natin ito, maiiwasan natin ang pagkakaroon ng wrinkles at cancer.
 
Getting nice skin
Isang paraan para mapangalagaan ang ating balat ay ang pagpanatili nitong malinis. Umpisan sa paghuhugas ng mga kamay upang ang germs na narito ay hindi na kumalat sa ibang parte ng katawan.
Sa paghuhugas, gumamit ng maligamgam na tubig. Hugasang mabuti ang palad pati na ang paligid ng mga daliri.
Pagdating sa katawan, mabuting gumamit ng mild soap at maligamgam na tubig. Bigyan lalo ng atensyon ang kilikili, tenga at mukha lalo na kung tumutuntong ka na sa puberty dahil maaring maging oily ito. Gumamit ng mild cleanser at maghilamos isa o dalawang beses kada araw.
Kadalasan, may tanong tayo na kung puwede bang ipagamit sa bata ang sabon na gamit natin. Kung tutuusin hindi lang mild soap ang puwede sa bata. Mabuting magtanong sa doktor hinggil dito.
Kung ang inyong balat ay magaspang, makati at dry, maglagay agad ng lotion, moisturizer o kaya ng cream. Kung gagamit ng moisturizer, huwag piliin ang maraming kulay o pabango. Okey sa mga bata ang petroleum jelly. Kung worried ka sa pimples, piliin ang moiturizer na non-comodogenic (won’t cause pimples). Tandaan na hindi sagot ang pagkuskos upang matanggal ang pimples dahil maaaring makasira ito ng balat.
 
Allergies to skin care products
Minsan kung tayo ay bibili ng mga bagong skin products naroon ang mangangati tayo, maiirita ang ating balat o magkakaroon ng allergy. Kung naroon ang mga bad reaction, itigil na ang paggamit ng skin products na binili ninyo at sa halip ay magtanong sa doktor.

 

 

Sugpuin ang ... CERVICAL CANCER
http://www.abante.com.ph/

Sa buong mundo, kada dalawang minuto ay may namamatay na babae dahil sa cervical cancer.
Sa Pilipinas, pangalawa ang cervical cancer sa 10 pangunahing cancer sa mga kababaihan at madalas ito’y huli nang madiskubre upang malunasan pa.
 
Ano nga ba ang cervical cancer?
Ang cancer ay isang sakit na nabubuo bilang tumor at ito’y kumakalat sa ibang bahagi ng katawan. Ang cervix ay nasa ibabang bahagi ng matris na konektado sa birth canal (vagina), ang lugar kung saan tumutubo ang tumor o cervical cancer.
Nangyayari ang cancer na ito kung ang normal cells sa cervix ay nagiging cancer cells. Sanhi ito ng tuluy-tuloy na cancer-causing Human Papilloma Virus (HPV) infection, na hahantong sa pre-malignant lesions at progress sa cancer.
Ang kondisyong ito’y makikita pagkatapos ng 10-30 taon. Nangangahulugan na malaki ang tsansa na sumailalim pa ito sa screening, upang ma-detect at malunasan bago pa ito humantong sa cancer.
Sa Pilipinas, isa sa tatlong babae ang namamatay sa loob ng isang taon matapos ang pagsusuri sa cervical cancer. Nakakabahala ang problemang pangkalusugang ito kaya dapat na magkaroon ng tamang kaalaman hinggil dito.
Ang cervical cancer ay isang silent killer para sa mga babaeng nasa developing countries. Delikado ang sakit na ito sa kahit sinong babae. May ibang mga babae na mayroong visible genital warts o pre-cancerous na pagbabago sa kanilang cervix. Gayunman, ang advance science ay nariyan upang maiwasan ang HPV infection sa pamamagitan ng immunization at upang malaman at malunasan ang precancerous lesions matapos na makita ang impeksyon.
 
Ano ang HPV?
Ito’y isang sexually transmitted infection, isang uri ng virus na namamalagi sa balat o mucous membranes na kadalasan ay walang sintomas na kakikitaan. Ang madalas na sintomas na makikita ay pagdurugo ng ari, discharge, urinary o gastrointestinal pain, lesions o tumor. Ngunit, 18 porysentong walang senyales o sintomas hanggang sa huli na ang lahat.
 
Ang babae ay maaaring dapuan ng cervical cancer kung siya ay…
- nakipagtalik matapos ang unang pagreregla
- maraming sexual partners
- exposed sa sexually transmitted infection
- nagkaroon o mayroong limang anak o higit pa.
- nanigarilyo o naninigarilyo
- mahina ang resistensya laban sa mga sakit
 
Paano ito maiiwasan?
- tamang kaalaman hinggil sa cervical cancer sa edad na 25-45
- magkaroong ng magandang lifestyle
- mag-ehersisyo
- iwasan ang paninigrailyo at pag-inom
- matulog sa oras
- kumain ng maraming prutas at gulay
- magtungo sa healthcare provider para sa regular na check-up
- sumailalim sa cervical cancer screening kahit isang beses lalo na sa edad na 25-45
- magpabakuna laban sa HPV
 
Ang maagap na pagsusuri at paggamot laban sa cervical canser ang magsasalba sa inyong buhay.
 
Nandoon sa Minatomachi Clinic ang doktora. Kung gusto ninyo ang Paps Mear, tawagan po ninyo iyong Minatomachi Clinic(045-453-3673) para kunin ang appointment bago pumunta sa iyong clinic.
 

Kumain ng melon at mangga
http://www.philstar.com/

MAYAMAN sa prutas ang Pilipinas. Talo pa natin ang Thailand o ang Indonesia at iba pang bansa sa Asia kung ang pag-uusapan ay ang dami ng prutas.
Pero sa kabila nito marami pa rin ang hindi naka babatid na ang pagkain ng mga prutas ay malaki ang naitutulong sa ating katawan para malabanan ang mga sakit kahit pa ang cancer.
Dalawang prutas ang irerekomenda kung dapat ay kainin. Ito ay ang mangga at melon. Ang dalawang prutas na ito ay mayaman sa vitamin C at beta carotene. Ang beta carotene ay ang sangkap na lumalaban para hindi magkaroon ng cancer.
Ang isang medium size na sariwang mangga ay sagana sa beta carotene. Ang beta carotene ng mangga ay naiko-convert naman sa vitamin A na mahalaga sa ating katawan. Gayunnman, mataas ang sugar ng mangga at maaaring makasira ng ngipin kung kakainin nang madalas.
Ang melon naman bukod sa mayaman sa vitamin C at betacarotene ay nagpapasigla rin naman ng kidney. Ang kaibahan ng melon sa mangga, ito ay mababa ang calories. Ang isang uri ng melon ay may 19 hanggang 31 calories per 100 grams.
Ang pinakamahusay, pinaka-masarap at pinakamatamis na melon ay ang tinatawag na cantaloupe melon. Orange ang laman nito.
Parehong kapaki-pakinabang ang mangga at melon kaya ang ipinapayo ko, sanayin ang sarili na kumakain ng prutas.

 

Hudyat ng stroke
http://www.abante.com.ph/

Sa maraming pagtitipon malimit na ang usapang kalusugan sa aking mga barkada. Tumungtong na kasi sa edad na hinahamon na ang dating lakas ng katawan, edad na natural lang ang paghina ng maraming elemento ng sistema. Sympre ito’y nagaganap lalo na kung di kanais-nais ang estilo ng pamumuhay sa kabataan.
May mga kilala akong nalulong sa bawal na droga noong yugto ng kanilang pagka-teenager. Nagbago ang buhay nang mag-asawa at pinili pa nga ang anyo ng pamumuhay na tunay na malusog - gulay lamang ang kinakain, mas ispiritwal at mas malaya sa tensyon at pagod ang uri ng hanapbuhay.
Ngunit nang dumako sa edad 40 pataas, biglang dinapuan ng matinding sakit. Ilang ulit naospital at nalapit sa kamatayan. Matapos magrekober, bumalik din ang sakit matapos ang ilang taon. Sa kalaunan ay binawian din ng buhay. Hindi siya umabot ng edad 50.
Stroke o atake sa puso ang kalimitang kalaban ng mga taong may estilo ng pamumuhay na puno ng tensyon at di masustansya ang diyeta. Haluan pa ito ng kapos na kapos sa pahinga dahil di pinahahalagahan ang tulog.
Pati kabuuang disposisyon ay balot ng negatibong emosyon - galit, inggit at iba pa.
Lahat ito’y reseta sa masalimuot na pisikal na kalagayan na maaring humantong sa stroke o atake sa puso. Ang normal na operasyon ng utak at puso ay hinahadlangan ng mga bara sa daloy ng dugo at oxygen.
Malimit ding hindi malinaw o nadarama ang mga sintoma.
Kapag may hudyat na, napapagkamalang ordinaryong sakit ng ulo o pamamanhid o ngalay na pakiramdam dulot ng kapaguran. Tuloy binabalewala. Ngunit minsan ang mga ito’y senyales na may nagaganap nang stroke o atake sa puso at kailangan ng agarang atensyon. Mga segundo ay lubhang mahalaga sa pagligtas ng buhay.
Dahil sa ganitong madalas na reaksyon at dahil marami din ang di nakakaalam bumasa ng mga hudyat, maiging sundin ang ilang gabay sa pagtukoy ng mga ito. May tatlong bagay na mahalagang obserbahan. Kodigo ang mga letrang STR. Kapag may kaibang kilos na makita sa kasama (hal. biglaang pagbitaw ng baso o pagkadapa na walang malinaw na pag-udyok), simulan ang pagsuri para sa posibleng stroke.
Ang letrang S ay para sa "smile". Subukan pangitiin ang kasama. Pagkatapos nito’y pabigkasin siya ng simpleng pangungusap. Ito ang letrang T para sa "talk or speak a simple sentence". Obserbahan kung may lohika ang sinasabi at malinaw ang pananalita.
Sumunod naman ay subukang ipaangat ang mga braso at tingnan kung balanse at di nanginginig. Ito ang R o ‘raise both arms’.
Maari ding ipalabas ang dila ng indibidwal. Kapag tila baluktot at kumikiling sa isang panig ang dila, ito’y senyales na may stroke na nga siya. Ito lamang ang mga simpleng gabay na sana’y alam ng lahat para sakaling makaengkwentro ng kasamang inatake ng stroke ay makakatulong at mabilis na makakaisip ng tugon.
Maaring mapinsala nang tuluyan ang utak ng taong na-stroke kapag ang mga kasama niya’y di man lang nakakilala sa mga hudyat ng stroke. Bawat segundo ay mahalaga kaya dapat maliksi ang tugon. Pero dapat rin may taglay na kaalaman ang mga kasama upang maayos na maasikaso ang sitwasyon.
Kung sana ay may matatawagan din tayong mga emergency na telepono, 119 dito sa Japan, na totoong makakabigay ng mabilis na serbisyo, mas maigi para sa lahat at makaliligtas ng mas maraming buhay.

 

Alzheimer's disease
http://www.abante-tonite.com/

Ang World Alzheimer’s Day noong Setyembre 21, 2006 ang ika-100 taong anibersaryo ng pagkadiskubre ng sakit na ito. Noong 1906, si Dr. Alois Alzheimer, isang Aleman na doktor, ay nagprisinta ng kaso ng isang 51-taong gulang na babae na nagngangalang Auguste D. Siya ay patuloy na nawawalan ng memorya, nahihirapang magsalita, nagiging mairita, at noong siya ay namatay, siya ay umiihi at dumudumi nang walang kontrol, nakahiga lamang sa kama at walang kamalay-malay sa kapaligiran. Noong na-autopsy ni Dr. Alzheimer ang bangkay ni Auguste D., ang utak niya ay nakitang natuyot at punung-puno ng mga plaque at "fibrous strands". Sa sumunod na walong dekada, hindi alam kung paano nangyayari ang sakit na ito at kung paano gagamutin. Kaunti ang mga tagasaliksik na pinag-aaralan ang sakit na ito hanggang si Ronald Reagan, isang minamahal na dating pangulo ng Amerika ang nagkaroon ng sakit na ito. Biglang dumami ang mga tagasaliksik na nag-aral nitong Alzheimer’s disease. Nagkaroon ng malawakang interes sa sakit na ito at ngayon ay marami nang alam tungkol sa sakit na ito. Ang sumisira sa utak ay ang mga plaque ng protein (Beta Amyloid formation) na nasa labas ng cells ng utak. Sa loob ng neuron naman ay nagkakaroon ng tau protein na nakakasira rin ng utak. Pinag-aaralan na ang dalawang paraan upang mapigil ang pagtubo ng Beta Amyloid protein formation at baka magkaroon na raw ng gamot sa darating na tatlo hanggang limang taon. Maski hindi mapagaling talaga ang sakit, mabuti na rin kung mapipigil ang paglala ng sakit upang mapadali ang pag-aalaga sa mga pasyente. Isa pang paraan ng paggamot ay alisin ang deposito ng plaque sa pamamagitan ng "active vaccine" o ng antibodies na mismong ini-inject sa pasyente. Itong mga gamot na ito ay sinisimulan nang i-testing sa mga tao upang malaman kung epektibo at kung ligtas ibigay sa tao.
Ang Alzheimer’s disease ay sakit ng mga matatanda - 65-taong gulang o mas matanda pa ngunit maaaring mangyari sa mga mas bata. Sa ngayon ay mayroong 24 milyon tao sa mundo ang mayroong dementia at sapagkat humahaba na ang buhay ng tao, sa taong 2040, 81 milyon (65 milyon sa Asia-Pacific region) na ang magkakaroon ng dementia. Ang Alzheimer’s disease ang pinakamadalas na uri ng dementia.
 

 

UTI
http://www.abante-tonite.com/

Ang UTI o urinary tract infection ay isang napakadalas na sakit ng tao lalo na ng mga babae. Ang pinakamalimit na mikrobyo na nagdudulot ng UTI ay ang E. coli. Sa mga babae, ang mikrobyo na natural na naninirahan sa puwit ay maaaring mapunta sa puwerta at mula dito ay mabilis na umakyat sa pantog dahil sa maiksing urethra ng mga babae. Ang infection sa pantog ay tinatawag na cystitis at kapag umakyat pa ang infection hanggang sa mga bato, ito ay tinatawag na pyelonephritis. Sa cystitis ang mga sintomas ay masakit at madalas umihi. Sa pyelonephritis, masakit ang balakang at nagkakalagnat.
Noong araw, madaling gamutin ang UTI ngunit ngayon, ang mga mikrobyo ay nagkaroon na ng resistensiya sa mga antibiotic na noong nakaraan ay mabisa ngunit ngayon ay hindi na tumatalab sa sakit gaya ng ampicillin at amoxcycillin. Ang ating Department of Health (DOH) ay mayroong isang "anti-microbial resistance surveillance committee" na nagmamasid dito sa nangyayaring resistensiya ng mga mikrobyo. Ang Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) ay naglabas ng guidelines na nagrerekomenda ng mga antibiotic na maaaring gamitin laban sa UTI. Ito ay ang nitrofurantoin, cefuroxine, cefixine, co-amoxyclav, co-trimoxazole at ang mga quinolone. Ang mga quinolone ay hindi maaaring ibigay sa mga buntis at mga bata. Ang resistensiya sa co-trimoxazole ay dumarami na at malapit na mawalan ng bisa ang gamot na ito. Sa cystitis na walang komplikasyon (bato, diabetes, catheter at iba pa) ay nagagamot ng tatlong araw lamang. Ang pyelonephritis ay nangangailangang gamutin ng 1-2 linggo. Sa mga babaeng buntis na mayroong UTI, iba ang mga antibiotic na ibinibigay upang huwag mapinsala ang dinadalang sanggol. Ang mga penicillin at amoxicycillin ay ligtas na ipanggamot sa mga buntis ngunit baka hindi magamot ang UTI. Co-amoxyclav at cephalexin ay puwedeng ipanggamot sa mga buntis na mayroong UTI. Ang co-trimoxazole at nitrifurantoin ay maaaring gamitin sa mga buntis ngunit baka makapinsala sa paglaki ng sanggol kaya’t kailangang ikunsulta sa obstetrician. Sa mga lalaki, mas madalang magkaroon ng UTI sapagkat mayroon silang pag-aari kaya’t mas mahaba ang aakyatin ng mikrobyo bago makarating sa pantog. Ang problema sa lalaki ay kapag ang prostate gland ang nagkaroon ng infection. Dito kailangan gamutin ng wasto ang acute prostatitis sa pamamagitan ng pagbigay ng antibiotics (quinolone, co-trimoxazole, atbp.) sa matagalan na panahon o hanggang dalawang buwan upang maalis ng lubusan ang infection. Kapag may natirang infection at naging chronic prostatitis, mahirap nang gamutin ito at nagiging paulit-ulit na bumabalik ang sakit

Peligro ng atake sa puso
http://www.abante.com.ph/

Maraming tao ang nakakaranas ng pag-atake sa puso.
Ang atake sa puso o heart attack ay nangyayari kapag ang isang area sa heart muscle ay namamatay o nasisira kapag hindi sapat na hangin ang napupunta rito.
Ang ibang heart attack ay biglaan at grabe, pero karamihan sa heart attack ay mabagal at hindi masyadong masakit. Madalas ang taong apektado nito ay hindi sigurado kung anong nangyayari sa kanila at naghihintay ng mahabang panahon bago pa sila humingi ng tulong o umaksyon. Ito ang ilan sa mga senyales na maaaring heart attack na ang nangyayari sa inyo:
 
* Hirap ang dibdib. Karamihan sa heart attack ay may kasamang paninikip sa gitna ng dibdib na tumatagal ng ilang minuto, o kaya nawawala at bumabalik din ito. Ang pakiramdam nito ay parang pinipiga at nadidiin ang dibdib.
* Hirap ang ibang parte ng pang-itaas na katawan. Kasama sa sintomas nito ay pananakit o di komportableng lagay ng mga braso (o pamamanhid), likod, leeg, panga o tiyan.
* Hirap sa paghinga. Kasama na rito ang paninikip ng lalamunan o di komportableng lagay ng dibdib.
* Ibang senyales: maaaring pagpawisan nang malamig, pagsusuka o pagkahilo
 
Ang risk factor ng sakit sa puso o pag-atake sa puso:
> paninigarilyo
> high blood pressure
> sobrang taba sa mga kinakain
> mataas sa LDL (bad) cholesterol
> mababa sa HDL (good) cholesterol
> diabetes
> kasarian
> edad
> nasa lahi
 
Paggagamot
Ang heart attack ay isang medical emergency. Ospital ang katapat nito at seryosong pagbabantay. Dapat ma-monitor agad ito ng ECG o electrocardiogram dahil maaaring bawian ng buhay kung hindi maagapan ang taong nakakaranas nito.
Kung nararamdaman ang ilan sa mga sintomas na nabanggit huwag nang maghintay ng ilang minuto bago pa humingi ng tulong. Magtungo na agad sa ospital.

 

Ano ang sintomas ng cancer sa suso?
http://www.philstar.com/

Ganoon man, narito ang mga sintomas ng cancer sa suso. Kapag makakapang laman o bukol dito pero hindi naman masakit. May lumalabas na dugo sa mga utong pero hindi naman maituturing na cancer at dulot lamang ng benign condition na tinatawag na intraductal papilloma. Ang laman na makakapa ay hindi kumikilos, at karaniwang nasa itaas na bahagi ng mga suso.
Dahil sa pagsalakay ng cancer cells ang balat ng suso ay maaaaring maging dimpled at sa dakong huli ay magiging mamula-mula ang kulay. Ang paglaki ng laman sa suso ay magiging kapansin-pansin sapagkat obvious na lalaki rin ang apektadong suso. Ang paglaki ng nodes sa itaas na bahagi ng clavicular area, ang paninigas at paglaki ng atay, masidhing pag-ubo at pananakit ng buto ay isang palatandaan na ang cancer sa suso ay malubha na o nasa advanced stage na.
Ang self breast examination ng mga kababaihan makaraan ang kanilang regla ay ipinapayo. Ang mga teenagers na mayroong nasasalat na bukol o laman sa kanilang mga suso ay hindi dapat mata-kot sapagkat ang mga ito ay benign. Para sa ikatatahimik ng isipan at kalooban, maaari silang magpakunsulta sa doktor.
Inirerekomenda ko sa ganitong kaso ay conservative management sa halip na operasyon.
Kung ang doktor ay may duda, maaari siyang mag-request ng x-ray studies ng mga suso o ang tinatawag na mammography, ultrasound, thermography o kaya ay CT scan o Magnetic Resonance Imaging (MRI).
Ang ilang doktor ay maaaring magsagawa ng needle aspiration o needle biopsy. Maaari ring gawin ang excision biopsy kung kinakailangan.
Kung ang doctor ay naghihinalang nasa advanced cancer na ang pasyente at kailangang operahan, bago isagawa ang operasyon, kaila-ngang isailalim muna ang pasyente sa sumusunod na examinations: chest X-ray, nuclear medicine bone scan, diagnostic ultrasound of the liver, blood chemistry such as alkaline phosphatase.

 

 

Pangangalaga sa ating mga mata
>http://www.abante.com.ph/

Minsan hindi maiiwasang mapagod ang ating mga mata dahil na rin sa dami ng nangyayari sa ating kapaligiran. Ayon kay Tanya Turner, isang contact lens expert, kung tutuusin kaya nating iwasan ito lalo na kung disidido tayong alagaan ang ating mga mata.
 
Ito ang ilan sa dapat tandaan...
-Magpasuri sa doktor kada taon.
  Ang kaunting problema sa mata ay puwedeng lumala. Ang patuloy na pagsuot ng corrective lenses at eye glasses na hindi akma sa iyo ay maaaring makasira ng paningin at makapagpasakit ng ulo. Kung iba na ang pakiramdam ng iyong mata, agad na pumunta sa inyong doktor kahit hindi pa umaabot ng isang taon mula ng kayo’y bumisita.
-Ingat sa paggamit ng lens.
   Kung gagamit ng lenses siguraduhing may kalidad ito dahil hindi lahat ng ito’y pare-pareho na maaaring makasira ng iyong mga mata.
-Kapag mainit sa labas o kahit pa maulap, gumamit ng sunglasses.
   Ang UV rays ay nakakasira ng mata. Piliin ang sunglasses na makakapag-block ng at least 98% UV radiation. At kahit pa ang lenses ay may UV proteksyon, gumamit pa rin ng sunglasses dahil hindi mapoproteksyunan ng lenses ang entire area ng mata.
-Kumain ng mga masusustansyang pagkain.
   Ayon sa pag-aaral ang mga bitamina na nasa antioxidant group ay makakahinto, o makakapagpababa, ng mga age-related condition gaya ng pagkakaroon ng mascular degeneration at pagdebelop ng katarata. Ang mga Vitamins C, A and E, folic acid, selenium at zinc ay mahusay sa kalusugan ng ating mga mata.
-Ang kakulangan at sobra sa liwanag ay makakaapekto sa mata.
   Kaya siguraduhing tama ang liwanag na ginagamit sa tuwing nagbabasa o may tinatrabaho.
-Pagpahingahin ang mata.
  Sadyang mapapagod ang mata kung maghapong nakaharap sa computer. Ito ay dahil kapag tayo ay nakaharap sa computer, 25% ang kakulangan sa ating pagkurap kaysa sa usual nating ginagawa, na nagiging dahilan ng pagkatuyo ng mata.
Imposibleng kumurap tayo ng mas madalas kaya mas mabuting habang nasa computer ay pumikit sandali at bumilang ng lima saka ito buksan. Maaari ring ipokus ang paningin pansamantala sa ibang bagay upang hindi mapagod at mahirapan ang mga mata.
-Ingatan ang paggamit ng lenses.
   Kapag tinatanggal ito, siguraduhing babanlawan. Siguraduhin ding nakababad ito sa tamang solution sa gabi. Kung daily disposable ang gamit na lenses, palitan ito kada araw. May iba, sa sobrang katipiran ay gumagamit ng lenses na higit pa sa intended time. Hindi tama ito dahil kahit hindi bumababa ang kalidad ng lens, ang protein-build up ay maaaring makahina sa iyong paningin.
 
Subukang huwag gumamit ng lenses mula 6 a.m hanggang hating-gabi. Karamihan sa mga lenses ay hindi ginawa para gamitin na hihigit pa sa 12 oras. Mas mainam kung magtanong muna sa inyong optometrist 9

 

 
 

 
Kung may probrema kayo,tawagan ninyo sa s.s.
Kung may probrema kayo,tawagan ninyo sa s.s.
Huwag kayong mag-alangan.


MIC KANAGAWA         045−314−3368
Minatomachi Medecal Center; 045−453−3673
   (Marunong ang talawang staff ng manangalog sa itong klinika daw)
Kalabaw no kai ;          045−662−5699
KALAKASAN           044-580-4675
CTIC ;                03−3636−1985
Kapatiran ;               03−3432−3055
Hand in Hand Chiba; ;      043−224− 2154
SHARE ;               03−5807−7581

O key po ba kayo ng kalusugan ninyo?

 

2007

Libreng Medical Check- up

Tawagan po ninyo si Mr Hayakawa o Mr Tani tungkol sa detariye

045-453-3673

 

 

 

 

 

 

 

多くのフィリピンの方々が、キリスト教ですね。

タガログ語で記された「聖書」を提供しているHPを紹介します。


また、プリントアウトする場合はこちらをこちらをご利用ください。

 

 

Paraan para ma-improve ang iyong memory
http://www.abante.com.ph/

Nagiging makakalimutin ka ba nitong mga nagdaang araw? Na kahit segundo lang ang lumipas limot mo na ang ginawa at sinabi mo?
Huwag nating sabihin na bad memory ito. Kung tutuusin walang ‘bad memory’. Hindi lang nae-exercise ang ating isipan nang mabuti kaya nagiging makakalimutin tayo.
Ayon sa pag-aaral, dahil walang lunas sa age-related memory loss at Alzheimer’s disease, mahalagang mapanatiling matalas ang ating isipan. Kailangang ma-exercise ang ating memory muscle at ito ang mga paraan...
 
Halaga ng kalusugan
Pagdating sa mga pagkain piliin ang masusustansiya. Dapat mayroon itong antioxidant - mga pagkaing mayaman tulad ng prutas, gulay, at isda upang maprotektahan ang brain cells at malabanan ang age-related memory loss.
 
Kondisyon ng kalusugan
Maliban sa mga masusustansyang pagkain, mahalaga rin na magkaroon tayo ng sapat na tulog at pahinga para magkaroon ng focus ang isipan.
- Ang pag-exercise sa araw-araw ay makakatulong para tumaas ang circulation ng dugo, upang mag-pump ang katawan ng nutrient at oxygen-rich blood papunta sa utak. Ang tamang circulation ng dugo sa utak ay mahalaga para sa nerve cell growth.
- Nakakabawas ng stress ang pag-exercise. Nakakaapekto ang stress sa long-term memory dahil ang cortisol, ang stress hormone, ay nililimitahan ang dami ng cells sa hippocampus, ang area sa utak kung saan naroon ang memory.
- Ang exercise ay nakakataas ng production ng endorphins. Nare-release ito kapag tayo ay nag-e-exercise, at napatunayang nakakatalas ng memory.
 
Kung ang isang amoy o emosyon ay hindi lumabas nang natural sa iyong memory, gumawa ka ng isa nito. Halimbawa, amuyin mo ang sibuyas mula sa inyong fridge para ma-remind mo ang iyong sarili na bumili ng bago nito sa tindahan. Kung ang isang connection ay pumalpak, puwede ka pang mag-rely sa ibang connection - sa pagtikim at paghawak. Ayon sa pananaliksik, kung magagawang matulungan natin ang ating sarili sa iba’t ibang paraan, maiiwasan nating ang memory loss.
Kung may natuklasan kang bago, i-link ito sa panibagong kaalaman sa kaalamang nalaman mo na, na konektado sa bagong impormasyong iyong nakuha. Kapag ginagawa mo ito sa iyong sarili, nagiging maganda ang iyong memory. Kapag nalimutan mo kung nasaan ang iyong sign pen, isipin mo kung anong positibong lugar mo ito maaaring mahanap.
 
Iwasan ang magulong pag-iisip
Madaling makalimutan ang isang bagay kung marami tayong iniisip. Para ma-improve ang iyong memory gumawa ng listahan. Makakabawas ito sa iyong stress. Kapag hindi masyadong stressed, madaling makapag-concentrate.
 
Maging matandain
- Ito ang taktika: huwag lang basta tandaan ang isang bagay bagkus ay intindihin ito.
- Sa short cycle, mas nagiging active ang ating utak. So i-try mo ang isang bagay o daanin sa speech.
- Kung tinatandaan ang isang bagay, memoryahin ito ng paulit-ulit at paghaluin (natatandaan lang natin ang una at huling items)
- Gumamit ng mnemonics gaya ng rhyming o acronyms. Tulad nito’y ROY G. BIV: Red, Orange, Yellow, Green, Blue, Indigo, Violet). Mas madaling memoryahin ang ganitong data.

 

 

Mag-Exercise ka!
http://www.abante.com.ph/

Habang tumatanda tayo nag-iiba ang kondisyon ng ating katawan. Kung hindi natin bibigyang-halaga ang ating kalusugan madali tayong tamaan ng sakit. Maaari ring lumobo o bumigat ang ating katawan kung wala tayong disiplina sa pagkain. Isang sagot ang pag-eehersisyo. Paraan ito upang mabawasan ang risk sa pagkakaroon ng chronic disease sa matatanda, kaya dapat silang mag-exercise at least 30 minutes sa tamang activity kada araw on most days of the week. Sa mga bata, dapat ding mag-exercise at least 60 minutes kada araw sa loob ng isang linggo.
Kapag mas energetic ang activity at mahaba itong ginagawa, mas magiging malusog tayo. Pero, sabi nga every little bit counts. Ito ang ilan sa mga exercise na madali na kayang gawin sa isang araw:
* Pagkatapos mag-almusal maglakad-lakad sa loob ng sampung minuto. Isang paraan ito upang maging buhay ang inyong dugo sa buong araw. Maaari ring gawin ito pagkatapos mag-lunch at dinner. Mas maganda kung gagawin ito kasama ang buong pamilya o kaibigan.
* Igarahe ang inyong sasakyan sa di kalayuan para makapaglakad papunta sa inyong trabaho.
* Sa paglalakad maaaring isama ang inyong alagang aso.
* Maaari ring kumilos habang kayo’y nasa inyong bakuran o hardin.
* Maglakad ng may kabilisan sa loob ng mall.
* Sa halip na mag-elevator, maghagdanan na lang.

Diabetes
http://www.abante.com.ph/

Sa Pilipinas, tinatayang mayroong tatlong milyong Pilipino ang diabetic kung saan 50 porsyento sa mga ito ay hindi nalalaman na taglay na pala nila ang nasabing sakit kaya’t madalas na huli na ang lahat bago pa ito malapatan ng karampatang lunas o di kaya ay maremedyuhan upang hindi mauwi sa mga kumplikasyong dulot ng diabetes.
Ang diabetes ay isang uri ng chronic metabolic disease kung saan tumataas ang blood sugar level at nagbubunga ng iba’t ibang komplikasyon tulad ng pagkabulag, kidney failure, stroke, atake sa puso at impotence.
Paano nga ba nagiging diabetic ang isang tao? Nag-uugat ang diabetes kung hindi na maayos na nakapagpo-produce ng insulin ang pancreas o di kaya ay hindi na kontrolado ang gamit nito. Ang insulin ay isang uri ng hormone na mahalaga upang magamot sa maayos at tamang paraan ang sugar sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nangangahulugan lamang na kung may insulin problem ang isang tao ay hindi na nito kontrolado ang blood sugar at maaaring tumaas ang level nito na maaaring humantong sa mga komplikasyon na nabanggit.
Mayroong dalawang uri ng diabetes. Ang Type 1 o insulin dependent diabetes ay ang klase na kadalasang nararasanan sa pagkabata. Sa kondisyong ito, hindi nakakapag-produce ng insulin ang pancreas kaya naman kailangan niya ang insulin injection. Sa kabilang dako, ang mga taong overweight o di kaya ay obese ang madalas na magkaroon ng Type 2 diabetes. Ang mga may sakit nito ay mayroong insulin resistance. Unti-unti ang pagtaas ng blood sugar kaya’t halos walang sintomas na mararamdaman. Mas karaniwan ang Type 2 diabetes dahil binubuo nito ang 90 porsyento ng mga kaso ng diabetes.
Kabilang sa mga sintomas ng pagiging diabetic ay ang madalas na pag-ihi, mataas na blood sugar (200 mg/dl pataas) at iba pa. Kung ikaw ay sobra sa timbang at hypertensive at naranasan ang mga sintomas ay mas makakabuting magpatingin na agad sa doktor upang makumpirma kung ikaw ay may diabetes.
Kadalasan na mataas ang risk na magkaroon ng diabetes kung ang magulang mo ay diabetic, mga obese, hypertensive, may mataas na cholesterol level, hindi aktibo ang lifestyle.
Kung pasok ka sa mga kwalipikasyong nabanggit, makakabuti na iwasan na ang mga matatamis at maaalat na pagkain at sa halip ay kumain ng pagkain na mataas sa fiber tulad ng mga gulay. Hindi naman makakatulong kung magpapalipas ng gutom o di kaya ay hindi kakain dahil magbubunga ito ng fluctuation sa blood sugar level; huwag manigarilyo at iwasan ang pag-inom ng alak. Isa pang mabisang panlaban sa diabetes at sa mga hatid nitong komplikasyon ay ang regular na pag-eehersisyo at pagkontrol sa timbang.

 

 

Mga sagot na may kinalaman sa prostate cancer
http://www.philstar.com/

ANO ang prostate?
Ang prostate ay gland na makikita sa mga nagkakaedad na lalaki at matatagpuan sa ibaba ng urinary bladder. Ang trabaho ng prostate ay magproduce ng semen. Ang prostate ay kasinglaki ng itlog ng manok.
 
Kailan nagkakaroon ng prostate cancer?
Apektado ng prostate cancer ang mga kalalakihang may gulang na 50.
 
Ano ang dahilan at nagkakaroon ng prostate cancer?
Walang eksaktong nakaaalam kung ano ang dahilan ng prostate cancer. Karaniwang nagkakaroon ng prostate cancer ang mga kalalakihang iba’t ibang babae ang nakatalik. Maaari ring magkaroon ng prostate cancer ang lalaking nagkaroon ng sexually transmitted diseases. Naiuugnay din ang pagkakaroon ng prostate cancer kung ang lalaki ay mataas ang intake ng mga mamantikang pagkain o palaging karne ang kinakain. Nasa panganib din ng prostate cancer ang mga kalalakihang nakalantad sa cadmium.
 
Paano malalaman ng lalaki kung siya ay may prostate cancer?
Walang sintomas na nakikita kung ang cancer ay nasa early stage pa lamang. Ang cancer ay nadidiskubre nang hindi sinasadya kapag mayroong inaalam na hindi magandang nararamdaman sa katawan.
 
Anong examination ang maaaring gawin ng doktor para malaman kung may prostate cancer?
Magsasagawa ang doktor ng digital rectal exam sa pasyente sa pamamagitan ng pagpapasok ng daliri (naka-gloved) sa ilalim ng rectum para madama kung ang gland ay matigas at lumalaki.
 
Ano pang ibang examination ang gagawin para malaman kung ano ang stage ng cancer?
Ito ay diagnostic ultrasound, computerized Tomography scans, Magnetic Resonance imaging at nuclear medicine bone scan.
 
May mga complications ba pagkatapos gamutin ang prostate cancer?
Oo. Hindi agad makaihi. Mayroong hindi agad makontrol ang kanilang pag-ihi. Maging impotent, rectal symptoms, Pagkasira ng sperm cells.
 
Ano pang ibang paggamot sa prostate cancer ang maaaring gawin?
Depende sa stage ng cancer at kung gaano na ito nakakalat, maaaring alisin ang bayag (castration), bigyan ng female hormones, anti-hormones o isailalim sa chemotheraphy.
 
Anong advice sa pasyente?
Ang prostate cancer ay maaaring magamot kung made-detect ito nang maaga at mabibigyan ng tamang paggamot sa lalong madaling panahon. Sa mga kalalakihan huwag mag-atubiling magpatingin sa doktor kung naghihinala kayong may prostate cancer.
 

 

Kahalagahan ng Zinc sa iyong Katawan
http://www.abante.com.ph/"

Pamilyar ang marami sa atin sa Vitamin A, B, C, protein, calcium at iba pa bilang pampalakas ng ating katawan. Ngunit ilan lang sa atin ang may kaalaman sa zinc. Ano nga ba ito?
Ang kahalagahan nito bilang essential mineral para sa kalusugan ay unang napag-alaman noong 1963. Gayunman, patuloy pa ring pinag-aaralan ang iba pang epekto nito sa kalusugan ng tao.
Ang zinc ay mahalagang mineral (sunod sa iron), para sa healthy immune system, pinatataas nito ay ating metabolism, mahusay ito upang makaiwas tayo sa sakit sa balat gaya ng pagkakaroon acne, boils, at sore throat. Mahalaga rin ito para sa cell division, kakailanganin ito ng tissue ng buhok, kuko at balat upang maging maganda ito. Makakatulong ito sa paglaki at pagmementina ng muscles.
 
Tungkulin:
* Mahusay sa pagpapagaling ng sugat
* Para tumibay ang immune system
* Tumutulong sa enzymes upang mapagana ang red blood cells para ma-transport ang carbon dioxide mula sa tissue pabalik sa baga.
 
Senyales ng kakulangan nito:
* Hirap mapagaling ang sugat
* Mabagal na paglaki ng mga bata
* Pagkalagas ng buhok
* Pagkakaroon ng skin rashes
* Pagkakaroon ng night blindness
* Pagkabawas ng dami ng sperm
* Pagkabawas sa panlasa at pang-amoy
* Pagiging bansot o maliit (sa ilang kaso)
 
Ang zinc ay maaaring makuha sa mga pagkaing tulad ng red meat, poultry at seafoods, mga mani lalo na ang almonds, beans, cheese at wheat germ. Dagdag pa nito, mahalaga rin ito sa proper thyroid function, blood clotting, at cognitive function (pag-iisip).

Hepatitis B
http://www.abante-tonite.com/

Ang hepatitis B ay isang sakit na galing sa Hepatitis B Virus (HBV). Ang tinatamaan nito ay ang atay. Inaakala na sa anim na bilyong populasyon sa mundo, dalawang bilyon ay impektado ng HBV. 300,000,000-400,000,000 ang nagkakaroon ng chronic hepatitis B at 25% sa kanila ay namamatay ng cirrhosis o kanser sa atay. Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng body fluids kapag nabigyan ng blood transfusion, pagtatalik, o kaya ay galing sa ina papunta sa sanggol habang buntis.
Noong Pebrero 22, nagkaroon ng Hepatitis B Summit dito sa Pilipinas. Napag-usapan ang sakit na ito at nagplano upang labanan ang sakit. Kapag mayroong sakit, mayroong dalawang grupo ng mga gamot na maaaring gamitin:
1. Antiviral nucleoside analogs na sumasangga sa pagdami ng virus upang mabigyan ng pagkakataon ang resistensya ng katawan na lumaban sa virus; at
2. Immunomodulators na nagpapalakas ng resistensya. Ang mga gamot na ito ay mayroong kamahalan at kapag itinigil, babalik ulit ang sakit. Hindi puwedeng ibigay ang mga gamot kapag ang ALT (Alanine Aminotransferase) sa dugo ng pasyente ay hindi mataas - hindi na tatalab ang mga gamot. Babantayan na lamang ang pasyente at bibigyang-payo na kumain lamang ng low fat food, huwag mgpapagod, bawal ang alcohol, ultrasound ng atay, paulit-ulit na blood examination, atbp.
 
Ang isang tao na mayroong chronic hepatitis B ay maaaring makahawa ng iba. Dapat gumamit ng condom kapag nakikipagtalik. Hindi siya puwedeng mag-donate ng dugo o ng kanyang mga organ. Ang mga kasamahan niya sa bahay ay dapat mabakunahan.
Noon pang taong 1982 nagkaroon ng bakuna na 95% epektibo sa paghadlang sa hepatitis B. Higit sa 20 taon, ipinapayo ng mga doktor na magpabakuna lalo na ang mga bata at sanggol upang huwag magkaroon ng hepa B ngunit sa ngayon, inaakalang 8 milyong Pilipino ang mayroong hepa B at karamihan sa kanila ay hindi alam na maysakit sila.
Napagkasunduan ng mga dumalo sa summit na ang kinakailangang magpabakuna ay ang: 1. Overseas workers; 2. health care workers; 3. mga mahina ang resistensya gaya ng mga mayroong HIV/AIDS o mga nagpapa-dialysis; 4. mga galing sa lugar na maraming hepa B; 5. injecting drug users; 6. mga bakla; 7. multiple sexual partners o commercial sex workers; 8. kasama sa bahay ng isang may hepa B; 9. nabigyan ng blood transfusion; 10. mga preso; 11. mga nagtatrabaho sa press; 12. mga estudyanteng papasok sa kolehiyo lalo na kung mag-aaral ng health care; 13. nagtatrabaho sa salon, barbero, at spa; 14. lahat ng nagtatrabaho sa ospital; 15. utility personnel; 16. basurero; 17. nagtatrabaho sa funeral parlor; at 18. mga hilot.
 
Endemic dito sa Pilipinas ang sakit na chronic hepatitis B. Ito ang pinakamadalas na dahilan kung bakit nagkakaroon ng kanser sa atay ang isang tao. Noon pang 1991 nagpayo na ang World Health Organization Global Advisory Group na isali sa national immunization programs ng lahat ng bansa ang pagbabakuna laban sa hepa B. Sa Taiwan at Thailand nakita na mabisa ang pagbakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa hepa B. Noong 1994, ang Republic Act 7846 ay itinaguyod, lahat ng sanggol at bata na walong taong gulang o mas bata ay kinakailangang bakunahan. Sana ay lubos na mangyari ito.

 

 

Ano ang Iron Deficiency?
http://www.abante.com.ph/

Ang iron deficiency o kakulangan sa dami ng iron ng ating katawan ay isa lang sa mga problemang pangkalusugan na kinakaharap ng ilan sa atin. Sa mundo, ito ang pinaka-common na sanhi ng anemia (mababang bilang ng red blodd cell). Kailangan natin ng iron para sa formation ng hemoglobin at iba pang enzymes. Ang pinaka-dami ng iron (70-95 porsyento) sa ating katawan ay makikita sa hemoglobin na nasa red blood cell na nagsi-circulate sa ating ugat.
 
Sanhi ng iron deficiency
Sampung poryento ng kababaihang pre-menopausal ay tinatamaan ng iron deficiency, anim na porsyento sa kababaihang post-menopausal, at sa kalalakihan na di aabot sa dalawang porsyento. Nagiging deficient ang may edad na tao di dahil sa kulang ang iron sa kanilang katawan, ito’y dahil sa chronic internal bleeding sanhi ng ulcers, polyps, o tumor. Tatlong grupo ng mga tao na may ng iron deficiency ang nanganganib ngunit di nakararanas ng internal bleeding at ito ang:
* Mga taong nauubos ang ngipin. Dapat uminom sila ng multi-vitamin at mineral supplement na mayroong iron kung hirap silang kumain ng balanced diet.
* Mga babaeng sobra kung reglahin. Ang iba sa mga babaeng ito ay kailangan din ng supplements para mapalitan ng iron - pero dapat munang masiguro na ang regla ang siyang dahilan ng kanilang anemia. Ang ibang pre-menopausal na babae ay nakakakuha agad ng iron sa tamang pagkain lang ng karne. Ang ibang vegetarians ay nakakakuha ng iron mula sa gulay tulad ng legumes, mga green leafy vegetables at mga fortified bread at cereals.
* Mga buntis. Kailangan nila araw-araw ng supplement na may iron upang magkaroon ng ekstrang iron para sa kanilang anak.
 
Sintomas
Ang sintomas ng iron deficiency anemia ay daliang pagkapagod, tachycardia (rapid heart rate), palpitation at mabilis hingalin. Ang malubhang iron deficiency ay sanhi ng skin at mucosal changes. Kasama rito ang pagkakaroon ng makinis na dila at malutong na mga kuko. Maraming iron-deficient na pasyente ang nagkakaroon ng pica, isang bihirang pagkahilig sa partikular na pagkain tulad ng ice cubes, lettuce at iba pa) na kadalasa’y hindi mayaman sa iron.
 
Mga pagkaing mayaman sa iron
Ito ang mga pagkaing sagana sa iron na dapat nating kainin.
- kidney beans
- wheat bran
- pasas
- blackstrap molasses
- halaan

 

'Wag balewalain ang glaucoma
http://www.abante.com.ph/

Ayon sa statistics, tinatayang isa sa bawat isangdaan at tatlumpu’t anim na Pinoy ay apektado ng Glaucoma at sa bilang na ito ay naging pangalawa ang Pilipinas sa iba pang bansa sa Timog- Asya kung pag-iral ng glaucoma ang pag-uusapan. Sa buong mundo, tinatayang aabot sa 73 milyon ang kaso ng Glaucoma na kadalasang ugat ng tuluyang pagkabulag ng mga dumaranas nito. Gayunman, sa kabila ng pagiging talamak nito katulad ng blood pressure, diabetes at iba pang karamdaman, nananatiling bulag ang marami sa tunay na sanhi at solusyon kung paanong hindi sana nauwi sa tuwirang pagkawala ng paningin ng mga biktima.
Lingid sa kaalaman ng marami, hindi birong sakit ang glaucoma at sa katunayan ay tinagurian din itong "Sneak thief of sight" dahil ang optic nerve ang unti-unting sinisira nito maski walang kaukulang symptoms. Isa sa mga ganitong kaso ang naranasan ng isang semi-retired military man na dahil kumpiyansang malinaw ang paningin sa edad 60 ay binalewala ang mga eye check up schedules. Hanggang minsan ay bigla na lang nanakit at namula ang kanyang mga mata kasabay ng pagkahilo at sakit ng ulo. Kasunod ay nanlabo na ang kanyang paningin na ayon sa doktor ay maaaring mauwi sa tuluyang pagkabulag.
Walang early warning signs ang sakit na ito pero habang tumatagal, maaaring maranasan ng pasyente ang panlalabo at pananakit ng mga mata, headache, nausea or vomiting. Dahil dito ay karaniwang inirerekomenda ng mga doktor ang pagsailalim sa glaucoma screenings habang maaga pa lalo’t kapag may risk factors ang pasyente gaya ng family history of the disease, pagkakaroon ng diabetes, cardiovascular diseases, mga kundisyon ng kakulangan ng blood flow to the eye, previous eye injury, myopia at iba pa.
 
Medications
Ang damage na dulot ng glaucoma ay hindi na mababawi and unfortunately, doctors have not found a cure for it. Gayunman, maaaring pigilin ang mabilis na pag-epekto nito o maagang pagkawala ng paningin sa pamamagitan ng medikasyon. Sa naturang medication, pinahihina ang eye pressure para mabawasan din ang damage sa optic nerve.
Maaaring isagawa ang naturang treatment through oral medications, topical eye drops, laser procedure o surgery.

 

Bakit kailangan ng vitamins ng katawan?
hhttp://www.abante.com.ph/

Sa pagdaan ng bawat araw na kumakain ka ng tatlong beses sa isang araw o kung minsan ay mahigit pa , iniisip mo na sapat na ba ito upang matugunan ang pangangailangan ng iyong katawan upang magampanan mo ang mga gawain sa araw-araw. Ang hindi mo nalalaman ay may mga pagkakataon na hindi sapat na hindi ka sumasablay sa pagkain o di kaya ay hindi tama ang iyong mga kinakain kaya’t kinakailangan mo ng tinatawag na dietary supplements para sa isang mas malusog na pangangatawan.
Ang dietary supplements ay hindi layong palitan ang pagkain ng tao. Nakakatulong lamang ito upang tugunan ang mga pangangailangan ng katawan na maaaring hindi ganap at sapat na makukuha mula sa regular na ulam at kanin subalit hindi rin naman sapat ang dietary supplements upang ganap na maibigay ang sustansya na maibibigay ng tinatawag na whole food tulad ng gulay at prutas.
Ang bitamina at mineral ay mga substance na kailangan ng ating katawan. Ang pinagsamang bitamina at mineral ay tinatawag na micronutrients.
Narito ang ilang uri ng mga bitamina at ang kanilang mabuting maidudulot sa katawan:
 
Vitamin B12
Nakakatulong ang Vitamin B12 sa pagpapanatili ng malulusog na nerve cells at red blood cells. Tumutulong din ito sa pagbuo ng DNA, o ang genetic material sa cells. Matatagpuan ang bitaminang ito sa mga pagkain tulad ng isda, karne, itlog, gatas at iba pang milk products. Ang mga cereal products na fortified ay mainam ding source ng Vitamin B12.
 
Vitamin B6
Ang Vitamin B6 ay isang uri ng water-soluble vitamin na matatagpuan sa tatlong chemical forms: pyridoxine, pyridoxal, at pyridoxamine. Mainam ang bitaminang ito sa red blood cell metabolism. Nakakatulong din ito sa pagpapabuti ng immune system para hindi madaling dapuan ng sakit. Pinapanatili rin ng bitaminang ito na nasa normal level ang blood glucose o ang sugar sa katawan ng taong may kakulangan sa bitaminang ito na maaaring magdulot ng anemia.
Ang Vtamin B6 ay matatagpuan sa mga pagkain tulad ng fortified cereals, beans, poultry products, karne at isda.
 
Vitamin D
Ang Vitamin D ay isang fat soluble vitamin. Ang sikat ng araw ay isa sa pangunahing source ng bitaming ito na pumapasok sa pamamagitan ng exposure ng balat sa ultra violet rays. Napapanatili nito ang normal blood level ng calcium kaya naman maasahan ang mas malalakas na buto kung sapat ang katawan sa Vitamin D.
Maari ding makuha ang Vitamin D sa mga pagkain tulad ng fortified foods at fortified milk o mga dairy products bagamat ang ice cream at keso ay hindi gaanong siksik sa bitaminang ito.
 
Vitamin E
Isa pang fat-soluble vitamin ang Vitamin E. Ito ay isang antioxidant na pumoprotekta sa cells . Nakakatulong din ito sa pag-repair ng nasirang cell at sa immune system ng isang tao. Makakakuha ng Vitamin E sa vegetable oils, mani at madadahong gulay.
 
Vitamin A
Maraming pakinabang ang bitaming ito sa maraming bahagi ng katawan. Nakakatulong ito sa pagpapalinaw ng mga mata, pagpapalakas ng buto, reproduction ng cells, pagpapalakas ng immune system. Dahil ang Vitamin A ay tumutulong sa paggawa ng white blood cells, na siya naming kumakalaban sa mapanirang bacteria at virus, mas malakas ang resistensya ng taong may sapat na Vitamin A at hindi madaling makakuha ng iba’t ibang uri ng impeksyon.
Pinoprotektahan din nito ang mga lining ng mata, respiratory tract, urinary tract at intestinal tract. Kung ang mga lining na ito ay masisira, mas mabilis na makakapasok ang mikrobyo at bacteria sa katawan.
Mayroong dalawang uri ng Vitamin A. Kung ito ay galing sa mga pagkaing galing sa hayop tulad ng karne ,isda at gatas, ito ay tinatawag na preformed Vitamin A habang ang mga nagmumula naman sa mga prutas at gulay ay tinatawag na provitamin A
 
Ang mga Filipino ay kumuha ng vitamin bilang dietary supplements (isnag gamot).Pero ingatan ninyo kung inumin ang dietary supplements.May side effect maski dietary supplements. At kung kunin ang sobrang fat-soluble vitamin, hindi ilabas iyong lahat. Itinago sa loob ng katawa. Lalo na ingatan ninyo talaga kung may sakit ka. Kumunslta muna kayo sa doctor.

 

 

Cancer conciousness
http://www.abante.com.ph/

Ginugunita ngayong linggong ito ang National Cancer Consciousness Week. Kaungay nito, tatalakayin ngayon at sa mga susunod pang isyu ng Health Alert ang iba’t ibang uri ng kanser, mga sintomas at ang mga paraan upang maiwasan ito.
Taun-taon, anim na milyong katao sa buong mundo ang nagkakaroon ng kanser at 200,000-katao sa Pilipinas. Ang kanser ang isa sa mga pangunahing nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino. Isa rin ito sa mga kinatatakutan dahil sa sakit na kaakibat nito kasabay na rin ang magastos na gamutan nito.
Subalit iba ang mensaheng nais na iparating ng Department of Health (DOH) at Philippine Cancer Society (PCS). Ayon sa PCS, may mga paraan para makaiwas sa kanser. Kung magkasakit man nito, maari itong magamot at hindi na kailangan pang pagdaanan ang pasakit sa pisikal at emosyonal na kalagayan ng katawan kung magiging maagap lamang sa paggamot sa kanser.
Ayon kay Dr. George Eufemio ng PCS, ang pakikipaglaban sa kanser ay magsisimula hindi lamang sa paggamot dito kundi sa paggawa ng paraan para makaiwas dito.  

ANO ANG KANSER?
Ang katawan ng tao ay binubuo ng milyun-milyong cells na dumarami at napapalitan sa pagdaan ng panahon. Subalit may mga pagkakataon na nagbabagong-anyo ang mga ito at maging ang behavior ay naiiba kumpara sa normal at malulusog na cells. Ang tawag dito ay mutation. Nagaganap ito kung nae-expose sa ilang mga substance, kemikal at virus o ang tinatawag na carcinogens o cancer promoting substances.
Maaaring dumami ang cancer cells at kumalat sa iba pang bahagi ng katawan subalit maaari rin naman itong malaban sa pamamagitan ng defense mechanism ng katawan o ang cancer protecting mechanism. Paano ba gaganda ang mekanismo na ito? Simple lamang ang sagot - sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay

MGA PALATANDAAN NG KANSER
Dahil ang pinakamabisang paraan para malabanan ang kanser, bukod sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay, ay ang agarang paglalapat ng lunas dito kung agad na malalaman na may kanser ang isang tao.
Bumuo ang PCS ng kataga upang madaling maalala ng publiko ang mga palatandaan ng kanser. Ito ay ang katagang CAUTION US.
C- Change in bowel or bladder habits:
A-A sore that does not heal:
U- Unusual bleeding or discharge;
T- Thickening or lump in the breast or elsewhere;
I- Indigetion of difficulty of swallowing;
O- Obvious change in wart or mole;
N- Nagging cough or hoarseness;
U- Unexplained anemia;
S- Sudden unexplained weight loss  

Narito ang ilang mga kanser na karaniwan sa mga Pilipino: ang incidence rate at ang mga risk factors nito.  

LUNG CANCER
-nangungunang cancer site sa mga kalalakihan habang pangatlo naman sa mga kababaihan.
- ang paninigarilyo ang siyang pangunahing dahilan ng lung cancer.
- ang mga palatandaan nito ay paulit-ulit na ubo: pagkakaroon ng dugo sa plema; pananakit ng dibdib; pamamalat; pananakit ng balikat at braso; panghihina at pagbaba ng timbang.

BREAST CANCER
-pangalawa sa pangunahing cancer sites para sa mga kababaihan.
-ang estrogen ang siyang nagiging dahilan ng breast cancer. Dahil dito, ang mga kababaihan na late nag-menopause o maagang nagregla; mga hindi pa nagkakaanak o iyong mga nabuntis nang mahigit nang 30 ang edad. Ito ay dahil ang pagbubuntis at lactation ay pumipigil sa pag-produce ng estrogen.
-ang mga palatandaan nito ay ang mga bukol sa suso at pamamaga nito.  

LIVER CANCER
-pangalawang leading cancer site sa mga kalalakihan at pampito naman sa mga kababaihan.
-ang mga viral infection tulad ng chronic active hepatitis B at C ang siyang mga karaniwang dahilan ng liver cancer.
-ang mga palatandaan nito ay pananakit ng sikmura; pagbaba ng timbang; walang ganang pagkain at panghihina.
- karamihan sa mga kaso ng liver cancer ay maiiwasan sa pamamagitan ng HBV vaccination habang sanggol pa.  

COLON/RECTUM CANCER
- pangatlong leading cancer site sa mga kalalakihan habang pang-apat naman para sa mga kababaihan.
- mas malaki ang risk na magkaroon nito para sa mga may family history ng colon at rectum cancer; may polyps o kuntil sa colon o rectum; diet na mataas sa fat at kulang naman sa whole grains; prutas at gulay.
-ang mga palatandaan nito ay ang pagbabago sa bowel habits tulad ng paulit-ulit na diarrhea at constipation; dugo sa dumi; biglaang pagbaba ng timbang at hindi maipaliwanag na anemia.
- walang anumang palatandaan ang early colon at rectum cancer kaya hindi ito madaling ma-detect kaya’t kung nararamdaman ang mga sintomas na naunang isinaad ay pinapayuhan na magpatingin agad sa doktor.  

UTERINE/CERVIX CANCER
-pangalawang leading cancer site sa mga kababaihan.
-kadalasang nagiging dahilan nito ay ang pagkakaroon ng human papilloma virus (HPV) na isang sexually-transmitted disease.
-maiiwasan ito sa pamamagitan ng ligtas na pakikipagtalik,
-ang mga palatandaan nito ay ang irregular na pagdurugo na walang kaugnayan sa pagreregla at hindi pangkaraniwang vaginal discharge.
- made-detect ang sakit sa pamamagitan ng papanicolau smear o pap smear  

PROSTATE CANCER
- pang-apat na leading cancer site sa mga kalalakihan
- ang pagtanda ang siyang pangunahing risk factor sa ganitong uri ng kanser; may kaungayan din ang isang unhealthy lifestyle na nagpapataas ng posibilidad na magkaroon nito.
- asymptomatic o walang anumang warning singles ang early prostate cancer. Sa sandaling makaramdam na ng sintomas, kabilang dito ang hirap na pag-ihi at madalas na pag-ihi sa gabi.

 

 

Iba't ibang uri ng mood disorders
http://www.abante.com.ph/

Dysthymia
Kung ang pakiramdam mo ay malungkot ka sa buong buhay mo, maaaring mayroon kang mood disorder na tinatawag na dysthymia. Ang isang taong mayroong ganitong sakit ay tila hindi nakakaramdam ng kaligayahan sa kanilang buhay. Dahil laging malungkot, ang pagiging depressed ay tila nagiging bahagi na ng kanilang personalidad. Iniisip nila na ang madalas na depression ay normal lamang para sa isang tao. Dahil laging matamlay, madalas na hindi nakikihalubilo o walang gana na gumawa ng mga bagay-bagay ang isang may dysthymia. Karaniwan na ang tinatamaan nito ay ang mga kabataan o young adults. Kung hindi ka tinatantanan ng depression sa loob ng dalawang taon, maaring mayroon ka ng ganitong sakit. Sa mga bata naman ay isang taon lamang ang period na kailangan upang ma-diagnose na may dysthymia ito. Karaniwan nang kaakibat ng dysthymia sa mga bata ang pagiging iritable at hindi magandang performance sa paaralan.

Post-Partum Depression
Ang kondisyong ito ay isang hindi pangkaraniwang depressive episode na nararanasan sa unang apat na linggo matapos na magsilang ang isang babae.
Sa panahong ito ay makakaranas ng pagkabalisa, madalas at walang tigil na pag-iyak, hirap na pagtulog at panic. Kung ang normal na babae ay masaya at halos hindi maiwanan ang kanilang bagong-silang na anak, ang isang mayroong postpartum depression ay hindi kakikitaan ng interes sa kanilang sanggol. Sa halip, makakaisip pa nga siya ng masasamang bagay para sa kanyang anak. Posibleng mauwi sa psychosis ang kondisyong ito kung saan maaari pang mahibang ang ina at saktan o di kaya ay patayin ang sariling anak. Kinakailangan ng agarang medical treatment ang mga babaeng mayroon nito upang maagapan ang paglala ng sakit na maaaring mauwi sa tuluyang pagkabaliw.  

Bipolar Disorder
Tinatawag din itong manic depression. Ang isang taong may bipolar disorder ay naglalaro lamang sa dalawang emotional poles ang kanilang moods.Ang ibig sabihin at mayroon lamang dalawang mood na nararamdaman- ito ay ang kalungkutan o ang depression at ang tinatawag na euphoria o labis na kaligayahan.  

Seasonal Affective Disorder (SAD)
Ang SAD ay maihahalintulad din sa isang major depression. Ang kaibahan lamang ay mayroon itong pinipiling panahon. May mga tao na nakakaranas ng labis na kalungkutan tuwing sasapit ang isang partikular na bahagi ng taon-halimbawa ay tuwing Pasko, Araw ng mga Patay , Bagong Taon at iba pa. Karaniwan na nararanasan ito tuwing panahon ng tag-lamig.
Sa mga panahon na nakakaranas ng SAD ang isang tao, lagi siyang matamlay, palatulog, mas matakaw kaya naman madalas na nadadagdagan ang timbang ang mga taong inaatake nito.
Sa mga panahon naman na hindi siya nakakaranas ng SAD ay normal lamang ang kanyang mood at maging ang kanyang pang-araw-araw na gawain.  

Pagbangon mula sa depression
May iba’t ibang paraan upang gamutin ang bawat klase ng depression. Kabilang na dito ang anti-depressant medications at psychological intervention at iba’t ibang therapy.
Isa sa mga pinakasimple at murang paraan upang gamutin ito ay sa tulong ng mga kaanak o kapamilya ng may sakit.
Ang suporta at pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ang siyang kailangan ng isang taong nakakaranas ng depression. Kasama na rin dito ang pagpapahinga mula sa mga bagay na nakakapagbigay sa kanya ng labis na stress upang maipakita sa kanya na masarap ang mabuhay, kahit gaano kahirap ito, mapapagaan ang anumang problema dahil sa mga taong nagmamahal at sa araw-araw na paggabay ng Diyos.

 

 

 
Kung may probrema kayo,tawagan ninyo sa s.s.
Kung may probrema kayo,tawagan ninyo sa s.s.
Huwag kayong mag-alangan.


MIC KANAGAWA         045−314−3368
Minatomachi Medecal Center; 045−453−3673
   (Marunong ang talawang staff ng manangalog sa itong klinika daw)
Kalabaw no kai ;          045−662−5699
KALAKASAN           044-580-4675
CTIC ;                03−3636−1985
Kapatiran ;              03−3432−3055
Hand in Hand Chiba; ;      043−224−2154
SHARE ;               03−5800−4778

 

 

おしらせ


サーバーの合併のためアドレスが変わっています。
ご面倒でも、再度ブックマークしてください。
また、それぞれのアドレスは以下の通りです。
 
Home ;   http://www.hi-ho.ne.jp/pagkakaisa/
子供の発熱 ;http://www.hi-ho.ne.jp/pagkakaisa/bata.htm
スペシャル ;  http://www.hi-ho.ne.jp/pagkakaisa/special.htm
タガログ語単語帳  ;http://www.hi-ho.ne.jp/pagkakaisa/dictionary.htm